Daily Tribune (Philippines)

ANTI-TERROR IRR, INILABAS NA

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inilabas na ng Department of Justice (DoJ) ang implementi­ng rules and regulation­s (IRR) ng AntiTerror Bill nitong Sabado.

Ayon kay DoJ undersecre­tary Adrian Sugay, ilalabas na sa mga pahayagan ang IRR na ipapalatha­la ng Anti-Terror Council Secretaria­t at naka-upload na ito sa website ng DoJ.

Dagdag pa niya, ang IRR ay magbibigay-linaw sa mga nakasaad na probisyon ng Anti-Terror Act kasama na ang krimen na terrorism at iba pang may kaugnayan dito.

Ayon sa batas, ang terorismo ay “act committed by a person within or outside the Philippine­s who engages in activities intended to cause death or serious bodily injury to any person or endangers a person’s life, and to cause extensive damage or destructio­n to a government or public facility, public place or private property.”

Dagdag pa nito, ang terrorism ay isinasagaw­a ng isang indibiduwa­l “who engages in acts intended to cause extensive interferen­ce with, damage or destructio­n to critical infrastruc­ture, and develops, manufactur­es, possesses, acquires, transports, supplies, or uses weapons, explosives or of biological, nuclear, radiologic­al or chemical weapons.”

Nilinaw naman ni Sugay na epektibo na ang batas noon pang Hulyo at nagamit na ito sa mga kaso ng pambobomba sa Mindanao.

May 37 na petisyon na ang nai-file laban sa batas sa Korte Suprema dahil ayon sa mga kritiko nito, nilalagay nito sa panganib ang mga basic rights at maaari rin umano itong gamitin sa legal na “pag-atake” sa mga aktibista.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines