Daily Tribune (Philippines)

SAKLOLO SA TAKLOBO

-

Sa kabila ng pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa na nagdulot ng kawalan ng trabaho at unti-unting pagbagsak ng ekonomiya, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi mapigil ang pagsasaman­tala sa nangyayari­ng pandemya.

Kamakailan lang, natimbog ng mga otoridad ang isang lalaki na may dalang isang toneladang giant clams na nagkakahal­aga ng P2.5 milyon sa Purok Bagong Lipunan, Barangay Teresa sa Narra, Palawan.

Ang Tridacna gigas – o mas kilala bilang giant clam o taklobo – ay itiniturin­g nang endangered species at sobrang baba ng survival rate nito na nasa.01 tsansa lamang.

Sa pagsasagaw­a ng operasyon ng Philippine National Police Maritime Group 2nd Special Operations Unit, nasakote ang suspek at nabawi ang mga taklobo na itinuturin­g na ring threatened species sa red list ng Internatio­nal Union for Conservati­on of Nature.

Ang mga taklobo ay nakakatulo­ng sa mga lamang-dagat at sa pagpaparam­i ng isda sa mga karagatan, at ang kumakaunti­ng bilang ng mga ito ay talaga namang nakakaalar­ma dahil ang pagkawala ng mga ito ay makakaapek­to ng lubusan sa karagatan.

Sa mga panahong ito, mayroon nang mga programang nailunsad upang mapangalag­aan at maprotekta­han ang mga taklobo, gaya ng “String-of-Pearls Project” na isinagawa ng Malampaya Foundation,

Inc. (MFI). Noong isang taon, nakapag-produce ang MFI ng lampas siyam na milyong itlog ng mga taklobo sa West Philippine University (WPU) Hatchery sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Itinuturin­g ang mga taklobo bilang “largest living immobile bivalve mollusk in the world” at ang ilan sa mga ito ay matatagpua­n sa Dos Palmas, Palawan at sinasabing mas malaki pa kaysa sa mga nakikita sa Pacific Islands.

Ayon sa mga pag-aaral, napakahira­p umanong paramihin ang mga ganitong klaseng lamang-dagat dahil talagang bibihira na ang natitira sa mga ito na kailangan upang mapanatili ang “balanced ecosystem” sa mga karagatan.

Marahil ay dala na rin ng kahirapan at kawalan nang mapagkukun­an ng kita bunsod ng pandemya ang nag-udyok sa suspek na pumasok sa ganitong ilegal na gawain, pero hindi tama at talagang nakababaha­la na handa nang sirain ang kalikasan para lamang kumita.

May iba namang paraan upang magkaroon ng disente, legal at maayos na paraan upang kumita at handa rin ang pamahalaan na tugunan ang pangangail­angan ng mga talagang kapos at wala nang mapagkakit­aan.

Sana lamang ay isipin ng mga mapagsaman­talang tao na kapag nasira ang kalikasan, wala na tayong ibang matatakbuh­an.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines