Daily Tribune (Philippines)

BF NI MAJA, BUMUWELTA SA BASHERS

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, ready to battle pala itong boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez kapag feeling niyang naaargraby­ado na ang love of his life huh!

Kasi naman, marami talaga ang nag-react nang mapanood ang aktres sa bagong weekly musical show ng TV5 kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan at Jake Ejercito, ang “Sunday Noontime Live” (SNL).

Ang ibang netizens ay natuwa sa muling pagbabalik-telebisyon ng dalaga, pero meron pa ring bumatikos sa aktres at ang ilan, sinabihan si Maja na walang utang na loob sa kanyang mother network.

Ayon sa ilang bashers, nilayasan na nga niya ang ABS-CBN ay sumali pa siya sa programang direktang makakalaba­n ng dati niyang show na “ASAP Natin ‘To.”

Nitong Biyernes, nagpost si Maja sa kanyang Instagram kung saan inimbitaha­n niya ang kanyang mga tagahanga at tagasunod upang manood ng kanilang pilot broadcast.

At dito na nga nagkomento ng ilang kanegahan ang bashers ni Maja pero mukhang walang oras ang aktres para sagutin pa at resbakan ang mga ito. Siyempre, to the rescue na ang BF ni Maja na si Rambo, at talagang pinangataw­anan na niya ang kanyang namesung at malupit na sinagot ang mga bashers ng dalaga kasabay ng pagbibigay ng words of encouragem­ent para sa kanyang girlfriend. “I’m very very proud of you!” sabi ni Rambo kay Maja.

“People wouldn’t know how you ended up in your situation but all i can say is that you’re blessed with a very good heart. All of us who love you are right behind you all the way.”

At mas naging proud pa nga ang binata nang magtrend si Maja sa Twitter pati na ang first episode ng kanilang Sunday show.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost pa ni Rambo ang screenshot ng top trending topic sa Twitter Philippine­s kung saan naroon ang name ng aktres.

Ani Rambo sa caption nito, “You never fail to entertain!”

Go lang Maja! Ang lakas ng backer mo sa bashers! Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines