Daily Tribune (Philippines)

BEA ALONZO:

ANG DAMING CHALLENGES, PERO NAKABANGON PA RIN

- NI VINNIE JAMES

Malaki pa rin ang pasasalama­t ng aktres na si Bea Alonzo dahil marami siyang natutunan sa kanyang buhay nitong mga nakaraang taon.

Sa kanyang bagong vlog na nagmistula­ng documentar­y na, ibinahagi ng aktres ang ilang life lessons na natutunan nitong nagdaang taon.

Nito lamang, nag-33rd birthday na ang dalaga, at dinokyumen­taryo niya ang kanyang kaarawan sa pagbabahag­i ng kanyang mga realizatio­ns sa buhay.

“Definitely, this year brought me so many lessons, pains that I really learned from,” simulang pagbabahag­i ng Kapamilya drama actress. “It left me anxious also and siguro worried about the future, about the uncertaint­ies of tomorrow.”

“But siyempre lagi dapat nating hinahanap ‘yung silver lining in everything. May rason for everything. So ngayon, mas pinipili ko na lang bilangin ‘yung mga blessings ko,” aniya pa.

At bilang bahagi ng pagse-celebrate ng kanyang kaarawan, nag-share ng blessings ang dalaga sa isang simbahan sa Makati City.

“Na-realize ko, bakit hindi ko iseshare, ‘di ba? No man is an island. It’s my way of inspiring people but also it’s my way of calling your attention na there is an organizati­on that can be the middle man from you to the people that need help,” pahayag ni Bea.

Ang tinutukoy niya ay ang kanilang I Am Hope foundation na nagsimula lang noon bilang charity organizati­on para makatulong sa mga COVID-19 frontliner­s.

Samantala, shocked naman ang aktres sa pa-surprise ng mga kasamahan niya sa I Am Hope team para sa kanyang birthday.

“Ang galing nila kasi hindi ko naisip. Wala akong clue in my head, sana nagayos ako ng konti. Ha-hahaha!”

“It was really special, you know why? Because I met these people early this year lang. I feel like I’ve known them forever,” aniya pa.

Nagkaroon din siya ng intimate birthday dinner sa bahay para naman sa kanyang glam team, “They have been there through it all and I just want to be able to make them feel special.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines