Daily Tribune (Philippines)

LORD, PATAWAD!

- NI MICHELLE GUILLANG

Matapos ang nangyaring kaguluhan sa Kamara, inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco humingi na nang paumanhin si Taguig Representa­tive Alan Peter Cayetano matapos itong matanggal sa puwesto bilang Speaker noong isang linggo.

Ayon kay Velasco, “cordial, friendly and apologetic” si Cayetano matapos ang naging pagpupulon­g nila kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyan­g sa ikatlong pagkakatao­n.

Ito ay naganap noong Oktubre 13 – kung saan niratipika­han ng mayorya ng Kamara ang eleksyon ni Velasco bilang House Speaker sa session hall na kinandado sa utos umano ni Cayetano.

Nasa 186 na mga kongresist­a ang bumoto pabor kay Velasco bilang bagong House Speaker.

Nag-ugat ang kaguluhan sa Kamara noong ibinasura ni Cayetano ang term-sharing deal na ang Pangulo pa mismo ang nagayos. Sa kasunduan, mamumuno si Cayetano ng 15 buwan sa Kamara at pagkatapos noon ay si Velasco naman ang papalit ng 21 buwan hanggang sa 2022 national elections.

Ang kasunduan na ito ay hindi tinupad ni Cayetano kung kaya nagkaroon ng kaguluhan sa Kamara.

Ayon pa kay Cayetano, namisunder­stood niya lamang ang Pangulo kung saan sinabi niya na ang pagkakaint­indi niya ay mananatili siyang House Speaker hanggang sa maipasa ang 2021 General Appropriat­ions Bill.

“He just said ‘I am sorry for what happened’. He kept saying he might have misread the instructio­ns of the President,” saad ni Velasco.

Kung matatandaa­n, inanunsyo ni Cayetano na magbibitiw na siya sa puwesto, subalit ayon sa ilang mambabatas, huli na ang lahat dahil tinanggal na siya ng mayorya na dumalo sa isang sesyon sa labas ng Batasang Pambansa at matapos maratipika­han ang eleksyon ni Velasco bilang Speaker sa Batasang Pambansa.

Matapos humupa ang kaguluhan, inalok naman ni Velasco si Cayetano ng puwesto bilang deputy speaker, pero ayon sa bagong House Speaker, hindi na sila nakapag-usap matapos noon.

“If he would allow, I want to talk to him again,” sabi ni Velasco.

Pero nilinaw ni Velasco na wala pa rin siyang kikilingan pagdating sa alokasyon ng budget sa Kamara.

“No promise was made about it,” sabi ni Velasco. “If a district needs more budget, it will get more. If a district needs less, it will get less.”

“I always believe in fair and equitable distributi­on. Not really equal for every district but depends on the needs,” sabi ni Velasco.

Noong isang linggo, inaprubaha­n na ng Kamara sa third at final reading ang panukalang P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines