Daily Tribune (Philippines)

TNT, SOLO SA TUKTOK!

- NI IAN SUYU

MGA LARO NGAYON

(AUF Arena)

4 p.m. – Magnolia vs. Meralco 6:45 p.m. – Blackwater vs. Alaska

CLARK – Hindi nagpaawat si Roger Pogoy sa kanyang opensa para sa TNT Tropang Giga matapos kumamada ng 30 puntos sa kanilang 110-91 na panalo kontra Phoenix sa pagpapatul­oy ng PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Arena.

Matapos ang kanyang 45-point debut laban sa Alaska sa unang salvo ng bubble setup ng PBA, hindi na nawala ang momentum na tangan ni Pogoy upang ihatid ang Tropang Giga sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nagdagdag naman ng 18 puntos si Poy Erram habang may 13 puntos naman si Simon Enciso.

Kumana rin ng 12 puntos si Bobby Ray Parks habang nagdagdag ng 11 puntos si Troy Rosario.

Nalasap naman ng Fuel Masters ang kanilang unang pagkatalo sa bubble conference matapos ang dalawang sunod na panalo.

Samantala, haharapin ng Blackwater ang Alaska sa main 6:45 p.m. na laro matapos ang paghahamok ng Magnolia at Meralco sa unang laro na magsisimul­a ng alas kuwatro ng hapon.

Inaasahang mapapalaba­n ang Bossing sa Aces, subalit sinabi ni Blackwater coach Nash Racela na paghahanda­an nilang mabuti ang laban.

“We have younger guys like Don Trollano, Ed Daquioag, Mac Belo and Roi Sumang. These are the young veterans and they are the go-to-leaders of our team,” saad ni Racela.

“Coming to the next game, we should make the right decisions to properly play. It includes passing the ball and deciding when to take the shot. Those are the things we are studying now,” dagdag niya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines