Daily Tribune (Philippines)

RESPETO LANG

-

Humupa na rin sa wakas ang kaguluhan sa Kamara matapos mailuklok si Marinduque Representa­tive Lord Allan Velasco bilang House Speaker alinsunod na rin sa pinagkasun­duang term-sharing deal sa pagitan ni Velasco at Taguig Representa­tive Alan Peter Cayetano.

At siyempre, ang unang tinapos ni Velasco nang mailagay siya sa puwesto ay ang 2010 national budget, kung saan ipinasa na ito sa third and final reading nito lamang Biyernes at inihahanda na ang pagtransmi­t nito sa Senado sa susunod na linggo.

Bukod dito, sinimulan na rin ni Velasco ang balasahan sa Kamara kung saan ang mga naalis na mga kongresist­a bilang mga deputy speaker ay naisaayos na muli.

Mukhang nasa tamang direksyon ang bagong-talagang Speaker ng Kamara.

At nitong nakaraan nga, napabalita­ng inalok ni Velasco si Cayetano ng posisyon bilang deputy speaker sa Kamara sa kabila ng mga umano’y paninira ng dating Speaker kay Velasco sa kasagsagan ng kaguluhan sa Kamara.

Ayon kay Velasco, ang pag-aalok niya ng deputy speakershi­p kay Cayetano ay bilang respeto sa Taguig solon dahil naging lider ito ng Kamara.

“It is actually mainly because I just want to give respect because he is a former Speaker of the House,” sabi ni Velasco sa isang panayam. “We will find out when I offer it to him personally. If he would allow, I would like to talk to him again.”

Nilinaw rin ni Velasco na ang nakasaad sa orihinal na term-sharing deal ay ang para sa Speakershi­p at mananatili pa rin ang mga may hawak ng komite sa Kamara.

“But at the end of the day, sinabi ko nga ‘yung original na term-sharing po namin, ang nakasaad po doon ang magpapalit lang po ay kami lang ng speaker at ‘yung chair of accounts,” sabi ni Velasco.

“Naipakita naman po natin na pati yung majority leader ko po—ang majority leader ay kasama rin po ‘yan sa term-sharing— ay siya pa rin ang majority leader natin, si Majority Leader Martin Romualdez,” dagdag niya.

Iginiit rin ni Velasco na si Cayetano ang sumira sa kanilang kasunduan.

“Unang-una sa lahat, ‘yung hinihingi niya na ‘palabra de honor’ na-break na niya po ‘yan. ‘Yung kanyang pagtupad sa termsharin­g, binreak na niya po ‘yan apat na beses,” sabi pa ni Velasco.

Sa ganang amin, mabuti na rin at inalok ni Velasco si Cayetano ng puwesto sa Kamara at makikita rito na sinsero ang ginagawa ni Velasco na maaayos ang takbo ng Kamara lalo na ngayong may pandemya.

Nanaig pa rin ang respeto ni Velasco sa kabila ng lahat, na siya namang dapat na gawin ng isang tunay na namumuno.

Hintayin na lang natin kung tatanggapi­n ni Cayetano ang alok na ito. Anong malay natin, baka mas epektibo pang deputy speaker si Cayetano kaysa maging pinuno ng Kamara.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines