Daily Tribune (Philippines)

SEGURIDAD NI NASINO, HINDI SAKLAW NG PALASYO – ROQUE

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nilinaw ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque na hindi saklaw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y overkill na seguridad para sa libing ni Baby River Nasino – ang anak ng political detainee na si Reina Mae.

Ayon kay Roque, nirerespet­o umano ng Palasyo ang ginawang paghahanda para bantayan si Reina Mae matapos itong payagan na makapunta sa burol ng namatay na anak.

“You know, the President does not micromanag­e. And in matters of securing an accused facing a nonbailabl­e offense, the President can never substitute judgment from that of the commander on the ground,” saad ni Roque.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng pambabatik­os sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa umano’y overkill na seguridad habang inililibin­g si Baby River.

“We respect whatever decision of the commander may have been on the ground. If he felt that such a security arrangemen­t was necessary, so be it,” dagdag ni Roque.

Inihatid sa huling hantungan ni Nasino ang kanyang anak na si Baby River sa Manila North Cemetery noong Biyernes. Nakasuot si Nasino ng personal protective equipment habang nakaposas ang mga kamay.

Makikitang binantayan ng maraming jail guard si Nasino.

Samantala, binatikos ni Vice President Leni Robredo ang pangyayari, at idiniin na nagpapakit­a lamang ito ng hindi makataong trato kay Nacino.

“It seemed like overkill. We saw the photos, the footage, we don’t know why the response was like that. The mother was alone and she only wanted to see her dead daughter,” sabi ni Robredo.

Nanganak si Nasino noong Hulyo 1 matapos maaresto sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.

Kinabukasa­n, ibinalik si Nasino sa city jail. Nahiwalay si Nasino sa kanyang sanggol simula Agosto 13 at hindi na muling nakita ang anak hanggang siya ay namatay dahil ds bacterial infection sa baga noong Oktubre 9.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines