Daily Tribune (Philippines)

CONE, ELIBS KAY CAGUIOA

- NI IAN SUYU

CLARK – Kung maibabalik lamang daw ang panahon, mas gusto ni Barangay Ginebra coach na ma-coach ang Ginebra veteran na si Mark Caguioa noong kalakasan pa nito sa paglalaro sa koponan.

Sa isang panayam, sinabi ni Cone na hanga at bilib siya sa durability ng kalahati ng pamosong “Fast and Furious” ng Gin Kings at dinagdag niya na isa sa kanyang mga regret ay ang hindi niya na-coach si Caguioa sa pagsisimul­a nito sa PBA.

Nitong nakaraan, nakopo ni Caguioa ang distinctio­n bilang unang PBA player na nakapaglar­o ng 18 seasons kung saan naungusan na niya ang 17 seasons nina Alvin Patrimonio at Harvey Carey.

Patungo na si Caguioa sa Hall of Fame matapos niyang magkamada ng 10,073 puntos mula noong nasa era pa ni legendary Robert Jaworski papunta sa kasalukuya­ng koponan ng Ginebra.

“He is a special person and I didn’t know that before I came here. When I was on the other teams, I thought he was kind of arrogant,” saad ni Cone. “Now that I know him, I could only imagine how it was like to have him during the prime of his career, when he was putting up big numbers and winning championsh­ips.”

At kahit na hindi na si Caguioa ang main option sa opensa, nananatili pa rin ang kanyang kontribusy­on sa koponan sa pamamagita­n ng pag-alalay sa kanyang mga mas nakababata­ng teammates.

“Only special guys like him do special things. That’s a testament for his character and playing ability,” sabi ni Cone. “We didn’t have one single thought of retiring him. We know he’s making us better, and he’s making the young guys play better.”

“I would love coaching him when he was younger. But I’m enjoying having him now that he’s older.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines