Daily Tribune (Philippines)

LOISA, HIRAP NGAYONG PANDEMYA

- Ni John Paul Francisco

Hindi na maitago ng young actress na si Loisa Andalio na talagang nahihirapa­n na siya ngayong panahon ng pandemya lalo pa at siya ang breadwinne­r sa kanilang pamilya. Pag-amin ni Loisa, nagpapakat­atag na lang siya ngayon at hanggang maaari ay ayaw niyang ipakita sa mga magulang at kapatid ang nararamdam­ang takot at pag-aalala ngayong wala pa rin siyang regular na trabaho sa ABS-CBN.

Kung matatandaa­n, natsugi si Loisa at ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa Kapamilya teleserye na “Bagong Umaga” kasabay din ng pagkakatan­ggal kay Julia Barretto sa nasabing proyekto.

At kahit gaano pa katapang si Loisa, hindi maiiwasan na bumigay na rin siya at wala nang magawa kundi ang mapaiyak tungkol sa pagkawala ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinne­r, di ba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng family mo,” sabi ni Loisa. “Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho noon, e. Tapos biglang wala. Tapos sila (mga kapatid) din naman, yung sinusuweld­o ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila din. So, mahirap, sobrang hirap.”

Pero siyempre, kailangang maging strong ang kanyang impression sa kanyang pamilya sa kabila ng takot na nararamdam­an at si Ronnie na lang ang napaghihin­gahan niya ng problema.

“Napag-uusapan namin yung sitwasyon. Yung parang, ‘Hindi talaga natin alam, ‘no?’ Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yung parang strength, edukasyon, pagkain, lahat,” kuwento ng dalaga. “Parang ayaw namin sila din yung mag-alala din. Ayaw namin silang matakot.”

“Kumbaga, hindi din namin pinapakita. Baka malaman nila, ‘Ay, may ganyan pala si Loisa.’ Kumbaga, hirap, pero mas pinapakita ko sa family ko, ‘Wala ito, okay lang ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag n’yong isipin.’ Pero deep inside, hindi okay, e,” dagdag niya.

“Pinipilit ko silang sabihan na, ‘Okay lang iyan, malalagpas­in natin ito.’ Kumbaga, pagsubok din lang talaga ito, e. Kumbaga, laging dumadaan yung ganitong nangyayari sa mundo. Kailangan din mo lang talagang magtiwala,” sabi pa ni Loisa.

“At saka itong quarantine din, nagpapalap­it sa atin sa Diyos. Kumbaga yun na din lang talaga yung pinanghaha­wakan ko, yung mga pangako Niya. Lagi kong sinasabi, kumbaga, ito yung buhay, kumbaga, kailangan lang nating i-enjoy. Huwag kayong mai-stress kung anumang problema. Problema lang iyan.”

Ang isipan n’yo lang, malakas ka, malakas tayo. Ang pamilya ko kasi sobrang masayahin talaga. Sila, hindi rin nila iniinda kung anu-ano. Ganyan lang, stay strong,” dagdag ng dalaga.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines