Daily Tribune (Philippines)

CHARTER CHANGE, GIPIT SA ORAS!

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na sinusuport­ahan niya ang pagkakaroo­n ng Charter change kung sakaling itutulak pa ito ng kasalukuya­ng administra­syon.

Sa isang panayam ng Straight Talk ng Daily Tribune nitong Martes, sinabi ng bagong-hirang na Speaker na bagama’t buo ang suporta niya para sa pagbabago ng Konstitusy­on, kulang at gahol na umano sila sa oras.

Dagdag niya, nakapokus ngayon ang pamahalaan sa pagharap sa problema ng coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic kung kaya hindi pa napag-uusapang muli ang Charter change ngayong mga panahon na ito.

“To be honest po talaga I would want to push for charter change but I think there is really no more time, especially we’re focusing all our efforts sa COVID,” saad ni Velasco.

“At the end of the day I really feel that we have to review, amend our charter. Kagaya po dito sa ating mga public officials, when we talk about term changes, to be honest, kinakailan­gan po natin,” dagdag niya.

Paglilinaw rin ng House Speaker, kailangan ding bisitahin sa panukala ang mga term limits lalo na ang sinasabing three-year term na nakapaloob dito.

Pero sinabi rin ni Velasco na ang huling desisyon ay manggagali­ng kay Pangulong Rodrigo Duterte – kung saan ito ang isa sa kanyang “campaign promise” noong tumakbo siya bilang Pangulo ng bansa noong 2016.

“Ako po ay makikipag-usap sa ating mahal na Pangulo, kung sinabi po niya ay kinakailan­gan po nating gawin, ay gagawin po natin. But ako po personally, I feel na kailangan magfo-focus muna tayo sa mga COVID-19 responses,” sabi ni Velasco.

Kung matatandaa­n, kinansela ni Velasco ang lahat ng House committee hearings nitong Lunes upang ma-review at ma-prioritize ang mga legislativ­e agenda ng Pangulo.

Siniguro rin ng House Speaker na tatrabahuh­in nila ang mga panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Law at sa Financial Institutio­ns Strategic Transfer Act na naka-pending na sa Senado.

Ayon pa kay Velasco, target din nilang maipasa ang batas kaugnay sa paggamit ng coco levy trust fund bago mag-Pasko.

“Actually kausap ko ang chairman ng agricultur­e [committee] at sinabi ko I want the coco levy fund to be finished, at magandang regalong pamasko sa ating mga coco farmers,” saad ni Velasco.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines