Daily Tribune (Philippines)

PAANO NA ANG PASKO?

-

Sa kabila ng pagpapaluw­ag ng mga quarantine restrictio­ns sa Metro Manila gaya ng pagbubukas ng mga establisyi­mento hanggang 30 percent at ang pagpayag sa paglabas ng mga kabataan at senior citizens, mayroon pa ring mga bagay na hindi pa rin pinapayaga­n ang gobyerno.

At ngayong halos isang buwan na lamang at Pasko na, may mga bagong protocols naman na inilabas na kabilang pa rin sa coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic response ng pamahalaan.

Nito lang, inihayag ng Metro Manila Council na bawal na muna ang Christmas party sa mga opisina man ng gobyerno o mga pribadong mga kompanya, habang may age limit naman ang pangangaro­ling sa Metro Manila.

Ayon kay MMC chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mayroon silang guidelines at magbibigay sila ng panuntunan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa pagdaraos ng Christmas party.

Ito ay matapos nilang mapagkasun­duang ilagay ang rehiyon -- ang itinuring na episentro ng coronaviru­s -- sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng taon.

Binigyang-diin din ni Olivarez na mahigpit pa ring ipapatupad ang panuntunan­g hindi dapat lumagpas sa 10 ang puwedeng magsama sa ano mang pagtitipon at sa halip, hinimok nila ang pagkakaroo­n ng virtual Christmas party.

Sinabi pa ng MMC chairman na sa ilalim ng GCQ ipinagbaba­wal ang pagdaos ng mga party.

“Kapag nahuli po sila ang mangyayari po niyan ay masususpen­d po sila, itong mga kawaning ito. Ang mangyayari po niyan, yun pong kanilang business will be affected kapag di po sila sumunod ng guidelines. Meron pong closure na ibibigay ang local government unit ganun din ho yung mga maghohost ng christmas party,” paliwanag ni Olivarez.

Samantala, pumayag naman ang mga alkalde na mangarolin­g ang mga may edad 18 hanggang 65 anyos.

Pero hindi lalampas sa 10 sa bawat grupo at hanggang alas-12 ng hatinggabi lang puwedeng mangarolin­g.

Hay naku. Talagang marami nang naaapektuh­an ang pagkalat ng COVID-19 at para sa bansang napakahili­g sa mga parties at pagtitipon sa tuwing dumarating ang Kapaskuhan, talagang isa itong malaking pahirap.

Pero ang mga ganitong klaseng mga protocols ay para rin sa publiko, upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19 at maibalik na sa normal ang lahat.

Sa mga nagtatanon­g kung paano na ang Pasko, well, wala na tayong magagawa dahil hanggang hindi nasasawata ang pandemya, tiis-tiis muna sa mga parties at malalaking pagtitipon.

Bawi na lang siguro tayo sa susunod na taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines