Daily Tribune (Philippines)

PARLADE, BIBIG ‘DI ITITIKOM

- NI BELLA CARIASO

Eat your heart out, Angel Locsin. Ikaw din, Liza Soberano.

Kahit daw napagsabih­an na ng kanyang bosing na si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay hindi pa rin ititikom ni Lt.

Gen. Antonio Parlade,

Jr. ang kanyang bunganga.

Ayon kay Parlade, mali ang umano’y ginawang pag-spin ng media sa pahayag ni Secretary Lorenzana na kung wala siyang ebidensya laban sa mga tulad nina Angel Locsin at Liza Soberano ay mabuting manahimik na lang siya.

Binigyang-diin ni Parlade, commander ng Army Southern Luzon Command, na nakausap niya si Lorenzana at may go-signal siya mula dito na patuloy na ilabas ang saloobin niya.

Si Parlade rin ang spokespers­on ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Ito linawin ko, ito ang sinabi sa akin ni Secretary Lorenzana, twisted naman ang kanyang mga statement. Pinapalaba­s doon, dapat tumahimik na lamang ako,” ani Parlade.

“So binasa ko rin ang news kanina, and true enough, hindi naman iyon ang intention ni Secretary Lorenzana (sa) pinalabas nila doon (na) just shut up,” dagdag ng opisyal.

Nauna rito ay sinabihan ni Lorenzana si Parlade na maglabas ng ebidensya kung talagang may link sina Soberano, Locsin at maging si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mga komunistan­g rebelde.

“Sabi niya continue what you are doing as long as you have evidence. Push on, that’s his term and in fact ito ngayon, sasabihin ko sa inyo patuloy ang ating kampanya na i-expose itong Communist Party of the Philippine­s (CPP) at kanyang mga front organizati­ons para na rin sa ating mga kababayan,” ani Parlade.

Nilinaw n’ya rin na ang kanyang pahayag ay hindi pangperson­al na opinyon bagkus ay ang stand ng NTF-ELCAC.

“Hindi ko ito opinion, let me clarify this, this is not the opinion of General Parlade, this is the national task force, posisyon ng ELCAC,” aniya.

“Nagkataon lang na ako ang nagsalita but I’m just one of the spokespers­on of the National Task ForceELCAC, so this is beyond me. Remember and ating chairman dito ay si Presidente,” wika niya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines