Daily Tribune (Philippines)

BILI, BILI NA

-

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATFMEID) nitong nakaraang linggo ang pagsasagaw­a ng sale sa shopping malls at iba pang commercial establishm­ents.

S’yempre pa, alinsunod pa rin ang pagsasagaw­a ng sale sa mahigpit na social distancing guidelines ng Department of Health (DoH) upang maiwasan pa ang pagkalat ng coronaviru­s disease 2019.

Nitong linggo ay pinasumula­n na rin ng Daily Tribune ang promotiona­l mall tour nito sa SM Mall of Asia at SM Sta. Mesa kung saan ay namigay tayo sa mga Katribu ng caps, masks, t-shirts at latest print edition copies.

Needless to say pero sasabihin na rin natin na dinumog ang ating mall tour ngunit nakakatuwa na walang-reklamong tumalima ang lahat sa socialdist­ancing at health protocols.

Since paparating na ang Kapaskuhan, asahan pang mas dadami ang mall sale na naglalayon­g palakasin ang ating ekonomiya na nabalaho dahil sa quarantine lockdowns.

Wala namang pwedeng sumisi sa lockdowns dahil nagsilbi silang bitter pills to swallow para maampat ang pagkalat ng virus.

Kung hindi kasi tayo naghigpit sa quarantine, pagsusuot ng masks at iba pang preventive measures, baka natulad na tayo sa Amerika na mahigit 200,000 na ang namamatay dahil sa COVID-19.

Sa paglakas ng bentahan sa mga mall, siniguro naman ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force Covid, na nakikipag-usap na sila sa mall operators para maiwasan ang pagkukumpu­lan ng mga tao.

Sinabi ni Eleazar na may pandemic man o wala ay subok na ang mga standard operating procedures ng Philippine National Police para masiguro ang kaayusan sa mall sales.

“The JTF COVID Shield fully supports the efforts of our national government that would generate more economic activities,” ani Eleazar.

“We in the JTF COVID Shield have been adjusting our security and health safety measures to strike a balance between the need to revive our economy and in ensuring the protection of our kababayans,” anya.

Ano pa ang hinihintay n’yo. Tara nang magshoppin­g. Teka. Wala pang 13th-month pay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines