Daily Tribune (Philippines)

IMBESTIGAS­YON SA SEA GAMES APRUB SA PALASYO

-

Sang-ayon ang Malacañang sa pagbubukas ng bagong imbestigas­yon sa diumanoy katiwalian sa paggamit ng kaban ng bayan sa pagho-host ng 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque nitong Linggo na ipinapauba­ya ng Palasyo sa Office of the Ombudsman at House of Representa­tives ang pag-imbestiga sa anomalya sa nakaraang taong pagho-host ng event partikular ang organizer nitong Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), kung saan nagsilbing chairman si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Inilutang ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang pagbusisi sa paggastos ng pondo ng gobyerno para sa biennial meet.

Nauna nang ipinahayag nina House Speaker Lord Allan Velasco at Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, mga namumuno sa House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity, na bukas sila sa pag-imbestiga kung saan napunta ang P6 bilyong pondo may halos isang taon matapos ganapin ang biennial meet sa bansa.

Noong isang taon ay nagbuo ang Office of the Ombudsman (OMB) ng seven-man panel para imbestigah­an ang hosting ng Games kabilang ang organizer nitong Phisgoc.

“We welcome this move of the OMB in the same way that we leave the matter to the House of Representa­tives to conduct an investigat­ion, if need be, on the use of government funds during last year’s SEA Games,” ani Roque.

Binatikos ang nakaraang taong SEA Games dahil sa mga aberyang naranasan ng mga atleta, opsiyal at miyembro ng media sa accreditat­ion, accommodat­ion, pagkain, pasilidad, at transporta­syon kung saan humingi ng dispensa ang Phisgoc gayundin ang Malacañang.

Malaking kontrobers­ya rin ang hinarap ng Phisgoc sa diumanoy overpriced stadium cauldron na nagkakahal­aga ng higit P55 milyon.

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang taon na imbestigah­an ang mga iregularid­ad at kapalpakan sa SEA Games hosting ngunit inabswelto naman si Cayetano sa mga bintang ng korapsyon.

 ??  ?? Ipinapauba­ya ng Malacañang sa Office of the Ombudsman at Kongreso ang imbestigas­yon sa umano’y katiwalian sa paghohost ng bansa sa 30th Southeast Asian Games noong isang taon.
Ipinapauba­ya ng Malacañang sa Office of the Ombudsman at Kongreso ang imbestigas­yon sa umano’y katiwalian sa paghohost ng bansa sa 30th Southeast Asian Games noong isang taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines