Daily Tribune (Philippines)

KUNG MAGPAPATUL­OY ANG PAG TAAS NGAYONG HOLIDAY SEASON COVID CASES, PAPALO SA 500K!

- NI KITOY ESGUERRA

Nagbabala ang OCTA Research Team nitong Lunes na maaaring pumalo sa 500,000 ang bilang ng kabuuang kaso ng coronaviru­s disease sa bansa sa katapusan ng Disyembre dahil sa pagpapatul­oy ng pagtaas nito halos isang taon simula noong pumutok ang pandemya.

Ayon sa grupo, hindi pa rin umano humuhupa ang impeksyon sa buong mundo at nakita rin nila na tumataas ang bilang ng daily cases ng COVID-19 sa bansa ngayong Nobyembre at maaari pa umano itong tumaas dahil malapit na ang Kapaskuhan.

Sinabi ng OCTA Research Team – na binubuo ng mga propesor mula sa University of the Philippine­s, University of Santo Tomas at Providence College sa United States – maaaring umabot sa 470,000 na lower estimate at 500,000 at ang upper estimate na may mean na 485,000 ng kaso coronaviru­s hanggang Disyembre 31.

Paliwanag ng grupo, ang pagtaas ng bagong kaso ng COVID sa bansa ay dahil umano sa community transmissi­on matapos simulang buksan ng pamahalaan ang ekonomiya at ang umano’y “deteriorat­ing compliance” sa mga minimum health standards.

Iniulat rin ng grupo na ang Metro Manila, Davao Region at Western Visayas ay nakapagtal­a ng pagtaas ng kaso sa kanilang mga daily cases kasama ang Quezon Province, Bulacan, Misamis Oriental at Western Samar

Samantala, pinuri naman ng grupo ang COVID-19 response ng Baguio City at Cebu City kung saan bumaba naman ang bilang ng mga bagong kaso ng may COVID-19.

“To this end, we recommend to the national government consider sustaining the current quarantine classifica­tion for the NCR until the end of December,” sabi ng grupo. “And to also consider reclassifi­cation to a stricter quarantine status in certain area around the country that continue to have significan­t outbreaks with hospitals already at full capacity.”

Nananwagan rin ang OCTA Research Team sa publiko na limitahan o iwasan ang pagpunta sa mga social gatherings ngayong Kapaskuhan.

“We also appeal to our citizens to avoid not just crowded and enclosed areas but also to refrain from joining or organizing social gatherings this Christmas season,” sabi ng grupo. “There is evidence from Europe and North America that increased social mixing among households is driving the second wave of COVID-19 in these parts of the world.”

Ang Pilipinas ay pangalawa sa may pinakamara­ming bilang ng kaso ng coronaviru­s disease sa Southeast Asia kasunod ng Indonesia na may lampas 534,000 na kaso.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines