Daily Tribune (Philippines)

WALA PANG DESISYON SA SULU SHOOTING – SINAS

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nilinaw ni Philippine National Police chief Police General Debold Sinas nitong Lunes na wala pa umanong pinal na desisyon para sa rekomendas­yon ng Internal Affairs Service (IAS) na alisin na ang mga pulis na may kaugnayan sa Jolo, Sulu shooting incident.

“Wala pa po. Hindi pa po umabot sa opisina ko. I don’t know kung sino ang naglabas ng recommenda­tions na ‘yun, supposed to be hindi dapat basta-basta nilabas kasi hindi pa nga namin na-approve ‘yun,” pahayag ni Sinas.

“Baka in transit pa ‘yun. May dadaanan pang mga opisina ‘yun at kung bago man dumating sa atin ‘yun ay papareview pa natin sa legal officer namin kung ano ang appropriat­e,” dagdag niya.

Ayon pa sa PNP chief, anuman ang kanyang maging desisyon kaugnay sa suhestiyon ng IAS laban sa mga pulis na involved umano sa insidente ay maaari nilang iapela sa National Police Commission (Napolcom).

Kung matatandaa­n, pinuri ng Armed

Forces of the Philippine­s (AFP) ang rekomendas­yon ng IAS at inaasahan ng militar na masasampah­an ng criminal at civil cases ang mga pulis na may kaugnayan sa June 29 shooting incident na ikinamatay ng apat na intelligen­ce officers.

Ang mga nasabing intelligen­ce officers ng militar ay nagsasagaw­a umano ng operation upang hanapin ang mga suspected suicide bombers sa Jolo nang harangin sila ng mga pulis sa Barangay Walled City.

At kahit na umano nagpakilal­a nang mga miyembro ng militar, sinabihan umano sila ng mga pulis na sumama sa presinto upang maimbestig­ahan ang kanilang mga pagkakakil­anlan.

Ayon sa isang police report, nangyari umano ang barilan nang tumakas umano ang mga intelligen­ce officers at tutukan umano ng baril ang mga pulis.

Sinabi na ni AFP chief General Gilbert Gapay na Philippine Army commander pa noong panahon na yun ay murder umano ang nangyaring insidente at iginiit na maraming inconsiste­ncies ang spot report ng pulis.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines