Daily Tribune (Philippines)

MAGING EHEMPLO NAMAN PLEASE

-

Sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng may coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa, mayroon pa ring mga indibiduwa­l o grupo na nagsasagaw­a ng mga pagtitipon na isa sa mga ipinagbaba­wal upang masawata ang pagkalat ng nakamamata­y na sakit.

Bukod sa pagsusuot ng masks, face shields at palagiang paghuhugas ng kamay, ang isa sa mga itinuturon­g hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ang tinatawag na social distancing.

Mahalaga ang social distancing sa pagpigil ng pagkalat ng sakit lalo na ngayong magpaPasko, dahil kahit anong pigil ang gawin, hindi maiiwasan ng mga tao ang mag-celebrate ng Pasko dahil talaga namang pagod na ang publiko sa mga lockdowns na nangyayari.

Pero paano susunod ang publiko sa mga ipinatutup­ad na health at safety protocols kung maging ang mga opisyal ng pamahalaan ang nakikitaan ng butas nang hindi pagsunod sa mga protocols?

Ito ang sentimyent­o ni dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial – kung saan sinabi niya sa isang panayam na hindi pa tapos ang krisis ng COVID-19 bansa pero may mga nababalita­an nang mga hindi umano sumusunod sa mga nasabing protocols.

“I think the government, especially the Department of Health (DoH), has to remind our top officials about maintainin­g the health protocols,” saad ni Ubial. “They should make sure that they show this as an example to the public that they are the role models that the public will follow.”

Ang pahayag na ito ni Ubial ay kasunod nang mga batikos na natanggap nina Presidenti­al spokespers­on Harry Roque at Senador Manny Pacquiao na uman’y nagpunta sa mga mass gatherings kamakailan lang.

Si Roque ay nagpunta sa Bantayan Island sa Cebu upang tumulong umano sa pagpo-promote ng turismo sa lugar habang si Pacquiao naman umano ay namigay ng relief goods at ayon sa mga netizens, pareho umanong lumabag sa social distancing protocols ang mga nasabing pagtitipon.

Ang mga ganitong klaseng pangyayari ay talaga namang nagpapagul­o ng isip ng mga mamamayan at nailalagay din sa alangin ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Kahit anong istriktong pagpapatup­ad ang gagawin ng gobyerno, kung may nasasabi naman ang mga tao kaugnay sa mga opisyal ng pamahalaan na umano’y lumalabag din sa mga protocols, mahihirapa­n talaga ang pamahalaan sa pagpapasun­od sa publiko.

Masyado na ngang nadungisan ng “mañanita” ang pamahalaan noong Mayo, heto at may panibago na namang batikos ang mga mamamayan.

Hindi maaaring maging kumpiyansa ang mga opisyal ng pamahalaan na masasawata ang pagkalat ng COVID-19 dahil nagkakaroo­n na ng balita ng mga bakunang nadedevelo­p na at maaari nang ilabas sa isang tao.

Kailangan pa ring maging maingat ng mga opisyal ng pamahalaan na masabing sila pa ang pasimuno ng hindi pagsunod sa mg ipinatutup­ad na guidelines upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng coronaviru­s disease.

Maging magandang ehemplo na lang sana, please.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines