Daily Tribune (Philippines)

2-0, TARGET NG GSM

-

Laro ngayon

(AUF Arena)

6 p.m. – Ginebra vs. TNT

CLARK – Target ngayon ng Barangay Ginebra na makopo ang bentahe sa Game 2 ng PBA Philippine Cup finals matapos nitong lampasuhin sa overtime ang TNT noong Game 1 sa Angeles University Foundation Arena dito.

Magsisimul­a ang bakbakan alas-sais ng gabi. Kung target ng Gin Kings ang kalamangan, nais naman ng Tropang Giga na makatabla sa kabila ng kinakahara­p nilang problema.

Hindi umano siguradong makapaglal­aro si Bobby Ray Parks na nagkaroon umano ng injury sa Game 1 – na talaga namang nagpalaki pa ng problema para sa mga bataan ni TNT coach Bong Ravena. Nagtamo ng calf strain sa

kaliwang binti si Parks sa kanilang

94- 100 na pagkatalo noong Game 1 at siguradong malaking adjustment ang gagawin ng TNT dahil dito.

Nangunguna si Parks sa Most Valuable Player derby kung saan may averages siya na 22.5 points, 8.1 rebounds, 3.1 assists and 1.3 steals per game.

Kaya alam ni Ravena na magiging malaking kawalan si Parks sa kanilang finals campaign at kailangan din umanong mag-step up nina Roger

Pogoy, Jayson Castro, Poy Erram at Troy Rosario.

“Somebody really has to step up, or else, we will be in trouble,” sabi ni Ravena.

“Ray is really doubtful to play on Wednesday and we know that he’s a big factor for our team. Now, we have to adjust big time. We better be on our toes in Game

2,” dagdag niya.

Ang Ginebra naman, patuloy na nakasandal sa magandang performanc­e ni Japeth Aguilar kung saan tumapos ito ng may 25 points and 16 rebounds noong Game 1, habang si Stanley Pringle naman ay nag-ambag ng 24 points, seven rebounds at seven assists. Naging malaking factor rin sina Scottie Thompson at rookie Arvin Tolentino at ang kanilang kapitan na si LA Tenorio. Ayon naman kay Gin Kings coach Tim Cone, kailangan na nilang siguruhin na makokopo nila ang titulo sa kanilang bestof- seven finals showdown. “We had a pingpong series against Meralco in the semifinals. Hopefully, we can break the pattern here against TNT,” sabi ni Cone. “That’s our goal.

We’re going to break that pattern and get a couple of good games together to finally win the championsh­ip.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines