Daily Tribune (Philippines)

INGATAN ANG KALIKASAN

-

Habang patuloy pa rin ang pagdurusa ng mga Pilipino dahil sa hindi pa rin masawata ang pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa, heto at may isa pa ring problema na kailangang mabigyan ng solusyon – ang pagiingat at pagpreserb­a ng kalikasan.

Nakita naman ng lahat ang nangyari nito lamang mga nakaraang buwan nang salantain ng sunud-sunod na bagyo ang bansa na nagdulot ng matinding pagbaha na talaga namang sumira sa mga kabuhayan at kabahayan ng mga kababayan natin sa Cagayan at sa Bicol region.

Ang matinding pagbaha na naranasan ay nangyari dahil wala na umanong punong pumipigil sa pagragasa ng tubig sa mga mabababang lugar dahil na rin umano sa illegal logging at illegal mining.

Kaya todo kampanya na naman ang Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) upang ipatupad ang batas laban sa pag-okupa ng lupang nasa ilalim ng forest land na klasipikas­yon.

Nito lamang nakaraan, may naaresto ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na 10 indibidwal kabilang ang mga Pilipino, Belgian, Filipino-Australian, at Britons na ilegal na omukupa sa mga area sa ilalim ng forest land sa Boracay.

“Naisyuhan natin sila ng notice to vacate at saka na warning na sila na dapat mag self demolish na sila doon at the same time, either umalis sila or face arrest. Ito yung nangyari noong Nov. 24, talagang inaresto na sila dahil talagang nagmamatig­as silang umalis doon sa forest land at yung iba naman nagba-violate ng easement rule natin,” ayon kay DENR Undersecre­tary Jonas Leones.

Sinabi rin ni Leones na hindi maaaring magamit ang forest land kung walang permiso sa gobyerno o kung hindi pa naisasaila­lim sa klasipikas­yon bilang alienable and disposable.

“Ito ang atin kampanya dahil nakita natin talagang dapat may mga permiso sila sa atin kung mag occupy sila ng forest land dahil ‘di naman talaga dapat matituluha­n yan,” sabi niya.

Matagal na umanong inookupa ng mga arestadong indibidwal ang lugar. Pero paliwanag ni Leones na wala pang klasipikas­yon noon.

“They ran the risk of being ejected kasi ‘di naman sa kanila ‘yan at ‘di pa yan A (Alienable) and D (Disposable) at the time,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, ang regulasyon aniyang sinusunod ay kung wala pang klasipikas­yon ang lugar lalo na sa Boracay, ang polisiya dito ay tatratuhin itong forest land.

“Talagang kailangan nating ipatupad ang batas. Ito po ang ginawa ng ating mga kasama sa NBI po,” sabi pa niya.

Dapat ipagpatulo­y ng DENR ang ganitong klaseng kampanya upang masigurong hindi na mauulit ang mga matitindin­g pagbaha at mailigtas rin ang kalikasan sa kabila ng banta ng COVID-19.

Dapat ingatan natin ang ating kalikasan, dahil wala na tayong ibang pupuntahan kapag nasira pa ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines