Daily Tribune (Philippines)

2-2 O 3-1?

- NI IAN SUYU

Laro ngayon

(AUF Gym)

6 p.m. -- TNT vs. Ginebra

CLARK – Matapos mapigilang mas mahulog pa sa bingit ng alanganin dahil sa 88-67 na panalo nito sa Game 3 ng PBA Philippine Cup finals sa Angeles University Foundation Arena dito, target naman ngayon ng TNT na itabla ang kanilang pakikihamo­k sa Barangay Ginebra sa kanilang best-of-seven series.

Magsisimul­a ang laro ngayong araw sa ganap na alas-sais ng hapon.

Naiwasan ng Tropang Giga ang 3-0 hole nang makabawi sila nitong Biyernes laban sa Gin Kings na nagtala nang magkasunod na panalo sa panimula ng kanilang showdown.

Kahit ngayong 1-2 ang kanilang kartada, nagkakaroo­n na ng pag-asa ang TNT dahil na rin sa pag-step up nina Roger Pogoy, veteran Jayson Castro, at mga big men na sina Troy Rosario at Poy Erram sa kabila ng pagkaka-sideline ni Bobby Ray Parks dahil sa injury.

Pinangunah­an ni Pogoy ang opensa ng Tropang Giga nang kumamada siya ng 18 puntos, anim na rebounds at anim na steals habang nagdagdag si Castro ng 15 puntos at sampung rebounds.

“The fact that we were able to stop Ginebra’s main players while maintainin­g our lead is already a big thing for us, hopefully we can carry it to the next game,” saad ni TNT head coach Bong Ravena.

“We will still apply the same mentality for our next game, there is nothing to celebrate about our previous win. We’re just hoping that Ray could finally play for Game 4,” dagdag niya.

Ang Ginebra naman, sisiguruhi­ng makuha ang bentahe sa kanilang serye upang makopo na ang prestihiyo­song allFilipin­o crown.

Sasandal ang Gin Kings kina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Sabi ni Ginebra coach Tim Cone, kailangan nilang makontrol ang serye.

“Just like what I tell my players the whole time, we are not here to win a game, we are here to win a series,” sabi ni Cone. “We’re still in control of the series. They might have broken a little momentum that we had, and we’ll see if we can get it back.”

“We have a chance in the next game to either start from zero again or get a commanding lead. That’s where our focus is,” dagdag niya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines