Daily Tribune (Philippines)

COVID CASES, TATAAS PA?

OVERCROWDI­NG, PINANGANGA­MBAHAN…

-

Nagbabala ang OCTA Research team nitong Sabado na inaasahan umanong tataas ang bilang ng mga kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) lalo ngayong malapit na ang Pasko – partikular sa Metro Manila – dahil umano sa overcrowdi­ng.

Ayon kay Professor Guido David na miyembro ng grupo, may posibilida­d umanong umabot sa 1,000 ang mga karagdagan­g kaso pero kailangan daw na hanggang nasa 600 lamang ang surge na maitala sa bawat araw.

Dagdag pa niya, pinakamala­la na kung aabot ito ng 800 hanggang 1,000 kaso para sa Metro Manila.

“Ang iniiwasan natin is ‘yung case na mag- increase tapos bumalik tayo sa 2,000 cases per day. Ang ine-expect namin kahit magka-surge ngayon, baka umabot sya ng 800 to 1,000 cases per day sa Metro Manila. Kaya pa naman ‘yan ng city, pero hindi naman natin gusto tumaas ‘yan,” saad ni David sa isang panayam.

Kung matatandaa­n, pinayagan na nitong nakaraan ang paglabas ng mga menor de edad at magpunta sa mga malls sa Metro Manila kung may importante umanong pupuntahan gaya ng mga klinika o government centers sa loob ng mga malls.

Paliwanag naman ni Guido, kung bababa naman umano ang kaso kahit tapos na ang Pasko, o kung nasa 200 na lang ang dagdag na kaso kada araw, maaari nang luwagan sa modified general community quarantine ang Metro Manila.

“Kumbaga ‘ yan lang yung parang threshold natin, pagkatapos ng holiday season ang inaahasan natin muli nang bababa na ‘ yung kaso. Nagimprove na tayo,” sabi ni Guido.

Pero giit ni David, dapat pa ring bantayan ang mga nasa hotspot gaya ng Laoag at Davao City.

Dapat ding sundin ang health protocol.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines