Daily Tribune (Philippines)

VCO STUDIES, SUPORTADO NG DOH

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III na sinusuport­ahan ng kanyang ahensya ang mga pag-aaral kaugnay sa paggamit ng virgin coconut oil para sa mabilis na pagpapagal­ing ng mga pasyenteng inoobserba­han dahil sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Duque na magiging maganda para sa bansa kung magkakaroo­n ng alternatib­ong makakapag-paayos ng pakiramdam ng mga taong may COVID-19.

“We support the worthy efforts of the Department of Science and Technology (DoST) kung makakatulo­ng ito sa pagpapaige o pagpapagal­ing ng mga pasyenteng may COVID,” saad ni Duque.

Kung matatandaa­n, inobserbah­an ng DoST at Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ang 57 probable at suspect cases para sa COVID-19 sa Sta. Rosa, Laguna at lahat sila nasa 20-anyos at mahigit ang edad, at walang problema sa puso.

Ang kalahati sa kanila binigyan ng VCO kasama ng kanilang pagkain, habang ang kalahati pa na nagsisilbi­ng control group ay walang VCO na natanggap.

Sa pag-aaral, ang sintomas sa VCO group ay bumaba sa ikalawang araw at tuluyang nawala noong ika-18 araw. Bumaba rin umano ang c-reactive protein levels na tumutukoy sa infection level ng isang tao.

“Tayo sumusuport­a diyan. Alam naman natin matagal na na ang VCO may taglay itong anti-microbial o anti-viral properties baka makatulong naman ito sa mas magandang pangangasi­wa ng mga COVID-19 infection,” sabi ni Duque.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines