Daily Tribune (Philippines)

PAGSUNOD ANG KAILANGAN

-

Nito lamang Biyernes, naitala ng Pilipinas ang isa sa pinakamaba­bang kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) case mula noong Hunyo at nagsilbi itong senyales na talagang bumaba na ang kaso ng pagkalat ng nakamamata­y na sakit sa bansa.

Nasa 934 na kumpirmado­ng kaso ng COVID-19 noong isang araw at ayon kay Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III, ang pagbaba ng bilang ng naitatalan­g kaso ng sakit ay dahil umano sa patuloy na pagsunod ng publiko sa mga ipinapatup­ad na minimum health protocols laban sa pagkalat ng virus.

“Ako ay nagpapasal­amat naman sila’y tumatalima sa mga panuntunan at health advisories ng DOH (Department of Health) lalo na patungkol sa minimum health standards,” sabi ni Duque sa isang panayam.

Dagdag pa ng kalihim, bumaba ang attack rate ng Pilipinas noong isang araw sa 1.45 cases kada 100,000 sa populasyon.

“Ito yung tinatawag mong two-week growth rate. Nasa moderate risk pa rin tayo, pero nasa mababang range ng moderate risk—kasi ang less than 1 case per 100,000 ay low risk—at kung naging low risk tayo yan ang maganda. Yan ang ating pinupuntir­ya,” saad ng Health chief.

Paliwanag pa ni Duque, mas lalo pa umanong bababa ang bilang ng maitatalan­g kaso ng COVID-19 sa bansa kung patuloy at mas marami pa ang susunod sa mga panuntunan ng DoH laban sa COVID-19.

“Nasasalami­n ito ng magandang nagiging epektibong pamamalaka­d ng national government, local government unit, at higit sa lahat ang pataas na bilang ng mga mamamayang sumusunod sa ating mga panuntunan,” sabi ni Duque.

Umabot na sa 438,069 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa na naitala nitong Sabado lamang kung saan 399,582 sa mga ito ay gumaling at 8,526 naman ang namatay.

Giit ni Duque, bagamat bumaba ang pangkalaha­tang bilang, may ilang mga lugar pa rin silang binabantay­an tulad ng Davao, Quezon City at Maynila na may bahagyang pagtaas ng bilang ng COVID-19.

“Gusto mong durugin kaagad itong mga pagkumpol-kumpol ng mga kaso at mapatid ang kadena ng hawaan yun ang pinakamaga­ndang dapat gawin kaagad ng ating mga pamahalaan­g lokal at ‘wag magluluwag,” sabi ni Duque.

“Kinakailan­gang monitoring, aggressive multi-source surveillan­ce ng mga puwdeng pinanggaga­lingan ng mga kaso at doon magsagawa ng testing, aggressive isolation, quarantine, contact tracing,” dagdag niya.

Malinaw ang nais ipahiwatig ng Health secretary sa publiko.

Sumunod, sumunod, at sumunod pa sa mga patakarang inilalatag ng pamahalaan. Ito naman ay para rin sa kaligtasan at kapakanan ng lahat lalo na ngayong hindi pa rin nasasawata ang pagkalat ng COVID-19.

Wala namang mawawala sa atin kung susunod lang tayo sa mga patakaran.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines