Daily Tribune (Philippines)

GENEVA, MAY BUWELTA SA BASHERS

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, binasag na ng aktres at singer na si Geneva Cruz ang kanyang katahimika­n kaugnay sa mga netizens na umano’y “nagmamarun­ong” at nagsasabin­g hindi na kailangang kumanta ni Geneva dahil tanders na umano siya.

Hindi nagpatinag at nagpapigil ang aktres nang ilabas niya ang kanyang saloobin sa social media at talaga namang binanatan niya ang mga bashers na walang ginawa kundi ang manlait ng kapwa.

Ayon sa actress-singer, hindi na dapat magsalita ang mga ito dahil inilalagay lang nila sa matinding kahihiyan ang kanilang mga sarili.

At kung titingnan rin ang aktres, hindi naman halatang nasa 40s na siya at marami pa rin ang hindi makapaniwa­la na may anak na siyang 24 years old.

“People always ask me if I have a 24-yearold son talaga kasi hindi raw ako mukhang 44… mukha raw akong 34. Yeah, my face and body look 34, but my back [due to scoliosis] and eyesight [make me] feel 54. Haha!” sabi ni Geneva sa kanyang Instagram account.

At sa isang bahagi nga ng kanyang post, inalala ni Geneva ang pang-ookray sa kanya ng isang babaeng basher, “One ignorant woman on Facebook commented, and sabi n’ya, ‘Don’t sing anymore kasi ang tanda mo na!’ (What?!?! May age limit pala ang pagkanta!

Lol). Sabi ko,

‘You sound so smart when you’re not talking, so please… don’t open your mouth and quit embarrassi­ng yourself.’ Someday, that person, who is only 10 years younger than me (according to Facebook), will get older too. Wish ko lang sana when she gets to my age, kalahati man lang ng itsura ko ay makamit n’ya, which I doubt! Haha!” saad pa ng aktres.

May dagdag na hirit pa siya para sa netizen na nagsabing oldies na siya.

“Pasensya na kasi pinaka ayoko sa lahat ‘yung nagmamarun­ong pero walang laman ‘yung ulo, pati puso wala rin. Bullies irritate me. I love getting older. I have learned to embrace it instead of fear it because everyone will get old naman someday,” sabi ni Geneva.

“Be humble kasi tumatanda ang lahat, and when you get really old–be blessed because not everyone is given the opportunit­y to live a long life,” dagdag niya.

“Wala kayong kailangang baguhin sa mukha n’yo dahil maganda na kayo kahit ano pang sabihin nila. Pero, wala ring masama kung may gusto kayong baguhin basta ito ay talagang kagustuhan ninyo at hindi ng ibang tao.”

“What I know now is that we derive our worth from the relationsh­ips we have in our lives– romantic, social circle, work– we give away our power and become dependent upon external validation, and when that’s taken away, our sense of value and identity goes with it. I am enough, and I am grateful,” sabi pa ni Geneva.

Don’t let others pull you down Geneva! Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines