Daily Tribune (Philippines)

NBI, IIMBESTIGA­HAN ANG TELEPONO NG MGA ‘PERSONS OF INTERESTS’ SA DACERA CASE

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Matapos makumpleto ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang kanilang forensic examinatio­n sa mga labi ng flight attendant na si Christine Dacera, sinabi ng ahensya na ang mga telepono naman ng mga persons of interest sa kaso ang iimbestiga­han ng mga ito.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra, titingnan ng NBI ang mga palitan ng mensahe mula sa mga telepono ng mga suspek at ng biktima.

“The NBI digital forensic team will now proceed to examine the data in the mobile phones of the persons of interest,” sabi ni Guevarra.

Sinabi pa ng kalihim na ang NBI na ang bahala kung kailan nila isisiwalat ang resulta ng forensic examinatio­n sa namatay na flight attendant.

Kung matatandaa­n, sinabi ng NBI na nakakuha sila ng hanggang sa 100 milliliter­s ng ihi mula sa labi ni Dacera at makatutulo­ng umano ito sa pagtingin kung mayroon bang mga traces ng alcohol at illegal drugs.

Sinabi rin ni forensic pathologis­t Raquel Fortun na mas maraming tanong kaysa sa sago tang kanilang nadiskubre dahil ang sinabi ng mga pulis na wala umanong laman ang pantog ni Dacera.

Ang flight attendant ay natagpuang walang malay sa isang bathtub sa loob ng isang hotel sa Makati noong Bagong Taon.

Ang pamilya ni Dacera, naniniwala pa ring pinag-drugs umano ang flight attendant at maaaring ginahasa pa ito.

Pinabulaan­an naman ito ng mga persons of interest na nakasama ni Dacera. Ang mga ito ay sumailalim na sa preliminar­y investigat­ion sa Makati Prosecutor­s Office at kasong rape with homicide ang inihain laban sa mga ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines