Daily Tribune (Philippines)

COLONIAL MENTALITY PA RIN

-

Hanggang ngayon ay marami pa rin palang tumutuligs­a kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque sa kanyang mga naging pahayag nitong mga nakaraan kaugnay sa bakuna laban sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Ang siste, hindi nagustuhan ng ilang mga grupo at personalid­ad ang tinuran ni Roque na hindi kailangang mamili ng mga Pilipino ng bakunang ibibigay sa kanila.

Ang tinutukoy ng tagapagsal­ita ng Palasyo ay ang Sinovac, kung saan marami sa mga Pinoy ang ayaw sa nasabing brand dahil gawa umano ito sa China.

May isa pang survey ang lumabas rin na halos kalahati ng mga Pinoy ang ayaw magpabakun­a, pero dahil naman sa iba’t ibang rason.

Pero ang paniwala ni Roque, ang pagiging choosy umano ng ilan pagdating sa bakuna laban sa nakamamata­y na sakit ay mula umano sa isang hindi kagandahan­g katangian ng mga Pilipino – ang colonial mentality.

“At ang katotohana­n po, may ilan po sa atin lalung-lalo na iyong kritiko ng gobyerno na ang pagtingin nila sa bakuna ay depende kung saan po nanggaling,” saad ni Roque.

“Hindi natin dapat tinitingna­n kung saan ginagawa ang bakuna, ang dapat tingnan natin kung ito ay ligtas at kung ito po ay epektibo at wala po tayong ituturok kung hindi po napatunaya­ng ligtas at epektibo, kahit saan pa po sila gawa,” dagdag niya.

Hindi naman kasi kaila na mas maraming Pinoy ang pabor magpabakun­a basta galing sa American pharmaceut­ical giant Pfizer at sa German partner nitong BioNTech ang mga ito.

Hirit pa ni Roque, kilala siya bilang isang prangkang tao.

“Wala po akong pakialam basta ako katotohana­n lamang,” sabi ni Roque.

“So sa mga mayroong colonial mentality na gusto ang Pfizer, well, puwede po kayong mag-antay,” dagdag niya.

Kung susumahin ang mga pangyayari, parehong may punto si Roque at ang mga kritiko ng pamahalaan.

Sa mga tinuran ni Roque, mukhang tama naman ang sinabi niyang hindi na kailangang mamili sa mga bakuna dahil lahat naman ay sinisiguro­ng ligtas at dumaan sa tamang proseso.

Pero hindi rin naman masisisi ang ibang Pinoy dahil siyempre, katawan nila ang babakunaha­n, kung kaya naman kailangan nilang siguraduhi­n na ligtas ito at walang mangyayari­ng kakaibang side effects.

Ang magagawa na lamang natin sa ngayon ay maghintay kung ano ang mga magiging epekto ng mga bakuna sakaling i-rollout na ang mga ito.

Wala rin namang masama kung sasamahan natin ng panalangin na maging maayos na ang lahat pagkatapos ng inoculatio­n program ng pamahalaan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines