Daily Tribune (Philippines)

BAKUNA PARA SA LAHAT!

PALASYO, NANGANGAKO NA…

- NI KITOY ESGUERRA

Sinisiguro ng Malakanyan­g nitong Martes na magkakaroo­n ng sapat na supply ng bakuna laban sa coronaviru­s disease (COVID-19) at mababakuna­han ang aabot sa 70 milyong Pilipino bago matapos ang kasalukuya­ng taon.

Ayon kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, ginagawa nan g pamahalaan ang lahat upang masigurong makakakuha ang Pilipinas ng sapat na bakuna para sa mga mamamayan nito upang maprotekta­han ang sambayanan laban sa COVID-19.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod nang pagka-antala ng unang batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility dahil sa kakulangan ng indemnific­ation measure sa parte ng gobyerno kung sakaling may makaranas nang adverse side effects mula sa pagbabakun­a laban sa COVID-19.

Sinabi rin ng tagapagsal­ita ng Palasyo na makakakuha ang bansa ng higit sa 160 milyong COVID-19 vaccine doses.

Ang 44 million doses ay magmumula sa WHO-led COVAX facility at inaasahang darating ngayong Pebrero, 25 million doses mula sa Sinovac, 10 to 15 million doses mula sa Gamaleya (Sputnik V) at inaasahang darating sa Abril, 30 million doses mula sa Novavax na darating sa Mayo, 17 million doses mula sa AstraZenec­a, 20 million doses mula sa Moderna na darating sa Hulyo, 15 million doses mula sa Pfizer-BioNTech na darating sa Agosto at five million doses mula sa Johnson and Johnson (Janssen) na darating sa Oktubre.

“We will have vaccines because we are not just dependent on the Western vaccines. There is also Novovax, which is going to be the largest volume that we will order,” saad ni Roque. “So kampante po tayo na sapat-sapat ang magiging bakuna natin.”

Maliban sa COVAX facility, karamihan sa mga bakuna ay galing sa mga western manufactur­ers maliban sa Sinovac ng China at Gamaleya ng Russia.

Kung matatandaa­n, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng pamahalaan na mabakunaha­n ang higit sa 70 milyong Pinoy sa loob ng kasalukuya­ng taon, na maituturin­g na isang best-case scenario.

Ang Food and Drug Administra­tion (FDA) naman ay nakapag-issue na ng emergency use authorizat­ion (EUA) sa Pfizer-BioNTech at AstraZenec­a at ang EUA ay kinakailan­gan upang magamit ng legal ang mga bakuna sa bansa.

Nitong nakaraan din ay nag-issue ang FDA ng compassion­ate special permit para sa 10,000 doses ng Chinese vaccine Sinopharm para magamit naman ng mga miyembro ng Presidenti­al Security Group.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines