Daily Tribune (Philippines)

JULIA MONTES, NAGBIBIGAY NA NG CLUE

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

“Kapag pinanood mo sila you will see this very glamorous, very talented, ganda ng music videos. You will see their other side kasi they have a variety show which is called ‘Run BTS.’ So you will see the other side of them na they are just boys who want to have fun, very talented, very inspiratio­nal because they also came from like the bottom,” saad ni Arci.

“When they’d been launched parang medyo naging underdog sila. So it’s just inspiring na itong simpleng kids and boys ngayon is ruling the world of entertainm­ent,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, noong 2019, talagang lumipad pa patungong South Korea ang dalaga para manood ng BTS concert. Ito raw yung time na nabigo uli siya sa pag-ibig.

“Ipina-tattoo ko ito sa Korea, ibig sabihin love yourself. So during that time that I was going through my heartbreak parang sabi ko, it’s time for me to love myself talaga muna.

“So ibang meaning talaga ‘yung bawat words, and lyrics and their music in my life. So talagang tinamaan ako during that time. In three months nakalimang bansa ako para lang manood sa kanila. Grabe ang lala!” sabi pa ni Arci.

Darating yung time na makikita mo na siya Arci! Char! Mukhang wala nang makakapigi­l pa sa aktres na si Julia Montes sa pagsisiwal­at kung sino ba talaga ang nagpapasay­a ng kanyang buhay ngayon.

At kahit hindi pa rin siya talaga bumabalik sa mundo ng showbiz, nagbibigay naman siya ng clue sa kanyang lovelife at para na rin siguro may sumubaybay pa rin sa kanya.

Ang asawa ng aktres na si Dimples Romana na si Boyet ay naglabas kamakailan ng kanyang bagong vlog at guest niya si Julia kung saan sumabak naman ang aktres sa Lie Detector Extreme challenge.

Aminado naman si Julia na simula palang ay kabado na ang dalaga dahil unang beses niya itong gagawin.

Bata palang daw si Julia ay malapit na siya sa mag-asawang Boyet at Dimples kaya madalas din itong pumunta sa bahay nila kahit anong oras kapag gustong kumain dahil masarap nga raw magluto ang mag-asawa.

“Alam n’yo hindi pawisin ang kamay ko pero pinapawisa­n na,” sabi ni Julia sa pagsisimul­a ng challenge, kung saan unang naitanong kung lalaking nakasando o nakaleathe­r jacket.

“Teka lang, nate-tense ako. Leather jacket,” ang sagot ni Julia, pero nakuryete ang dalaga sa lie detector gadget which means it was a lie.

Pero kaagad naman siyang ipinagtang­gol ni Dimples na nasa background, “Baka naman nakasando sa ilalim ng leather jacket.” At nagkatawan­an ang tatlo, habang sabi naman ni Julia, “Yari ako! Sando pala ha.”

Ang sumunod na tanong naman: “Mestizo o moreno?” Humagalpak muna ang aktres na pumadyak pa sabay sagot ng, “moreno.”

Hindi na naman totoo ang sinabi ng dalaga dahil nakuryente siya sa ikalawang pagkakatao­n.

“Uulitin ko ha, laruan lang ‘to ha (lie detector gadget). Hindi totoo ang mga nangyayari dito,” disclaimer ng asawa ni Dimples.

Ano nga ba ang tipo ng aktres, matangkad o sakto lang? “Sakto lang,” saad nito at nakuryente na naman siya sabay sabing, “Ang sakit-sakit na, bakit ganu’n?”

Kinuha ni Julia ang gadget at tsinek, “Alam mo, wala akong itinama sa ‘yo.”

“Inglisero o makata?” “Makata,” mabilis na sabi ni Julia at nakuryente ulit. Sabi pa, “Feeling ko uuwi talaga akong luhaan mamaya kasi masakit na talaga (kanang kamay dahil sa kuryente).

At ito na ang nagpabukin­g kay Julia, “Manila boy o probinsyan­o?” Binulungan ni Julia ang gadget, “Umayos ka kundi babasagin talaga kita. Probinsyan­o,” natawa nitong sabi at nakuryente na naman siya.

Defective nga ang gadget kasi para sa amin ay tama lahat ang mga sagot ni Julia pero lagi siyang nakukuryen­te. Sabi tuloy ni Boyet, “Huwag kayo basta-basta maniniwala sa mga laruan.”

Hirit ng dalaga, “Kung ayaw ninyong masira ang relasyon ninyo.” Para sa amin ang lahat ng binanggit ni Julia kung ano ang tipo niya sa lalaki tulad ng naka-leather jacket, moreno, sakto (height), makata at probinsyan­o ay nakaturo lahat kay Coco Martin, ang matagal ng alam ng publikonak­asintahann­gdalagaath­inihintayn­alangkungk­ailansilaa­amin.

Samantala, nakuha na ni Julia ang mga grado niya sa kursong Marketing Management at isa siyang deans lister.

Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines