Daily Tribune (Philippines)

NAKABABAHA­LA PA RIN

-

Kahit pa napipinto na ang pagdating ng mga coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa at kahit nagpapatul­oy pa rin ang pinaigting na COVID-19 response ng pamahalaan, hindi pa rin talaga maiiwasan na hindi magkaroon ng pangamba ang mga Pilipino dahil sa pandemya.

Lalo pa ngayon na mayroon nang naiuulat na kaso ng bagong variant ng COVID-19 na mula sa United Kingdom.

Pero ang mas nakakabaha­la ay ang ulat nitong Martes ng Department of Health (DoH) na nagsabing mayroon umanong uptick o pagtaas ng COVID-19 infections saw along Metro Manila cities kahit pa mayroon nang negative case growth rate ang National Capital Region (NCR) nitong nakaraang dalawang linggo.

Ayon kay DoH Epidemiolo­gy Bureau director Alethea De Guzman, may mga nakikitang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Valenzuela, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Navotas, Las Piñas at Manila.

“Hindi na ito kasing laki no’ng pagtaas noong nakaraang dalawang linggo subalit nakikita pa rin natin na tumataas ang kaso,” saad ni De Guzman.

“Ano ba ‘yung dahilan ng pagtaas? Ito ay dulot pa rin no’ng nakita natin na increased mobility, ‘yung pag-attend ng mga gatherings, pagkakaroo­n ng increased crowding na kung saan nandoon ang mga tao nitong nakaraang holiday celebratio­ns natin,” dagdag niya.

May naitala nang 226,513 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila as of February 14 at mayroon nang case growth rate na nasa -3 percent sa loob ng dalawang linggo kumpara sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.

Ang average daily attack rate (ADAR) ng Metro Manila mula January 31 hanggang February 13 ay nasa 2.71 per 100,000 population, mas mataas sa national ADAR ng 1.56 per 100,000 people sa kaparehong period.

May naitala ring pagtaas ng kaso sa Regions 7, 10 at Caraga at ayon kay De Guzman, lahat ng areas sa Region 7 ay nagpapakit­a ng uptrend sa infections at nakitaan rin ng “steep rise” sa Cebu province at sa Bohol, kabilang na rin ang mga siyudad ng Cebu, Lapu-Lapu at Mandaue.

Sa Caraga naman, lahat ng area maliban sa Agusan del Sur ay nagpapakit­a ng “continuous” case increase habang ang healthcare utilizatio­n rate naman ng Agusan del Norte ay nasa high-risk category.

“It’s a priority now for the region and the province to ensure that they have additional dedicated beds para hindi ma-push to even higher or to critical risk ang kanilang healthcare utilizatio­n rate,” saad ni De Guzman.

Sa Region 10 naman, may sharp increase din ng mga kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bukidnon simula noong Enero, habang nakitaan naman ng dahan-dahang pagtaas ng kaso sa Cagayan de Oro, Iligan City, at Misamis Oriental.

Samantala, bumababa naman ang mortality rate ng bansa sa COVID-19 kung saan ang average number ng pagkamatay bawat araw ay bumaba sa anim simula February 1 hanggang 15 mula sa 18 noong Enero, subalit tumaas naman ang bilang ng mga namatay sa Region 1, Region 4A at sa Metro Manila.

“Hindi tayo nakakakita ng pagtaas sa average deaths per day… We really hope na ma-maintain natin na kaunti na lang ‘yung occurrence ng deaths natin in the coming weeks,” saad ni De Guzman.

Hangga’t hindi pa talaga nasasawata ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, hindi pa rin dapat makampante ang mga tao at kailangang magingat nang husto dahil hindi pa rin natin alam ang magiging kahihinatn­an ng lahat ngayong may pandemya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines