Daily Tribune (Philippines)

PROTESTA NI MARCOS SA VP RACE, IBINASURA NG PET

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Ibinasura na ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) na tumatayo bilang Presidenti­al Electoral Tribunal (PET) nitong Martes ang protesta ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Kung matatandaa­n, inakusahan ni Marcos na nagkaroon ng dayaan kaya nanalo si Robredo at nakalamang sa kaniya ng 263,473 boto.

Hiniling niya sa SC, na nagsisilbi­ng PET na dumidinig sa mga protesta sa resulta ng halalan ng pangulo at bise presidente, na muling bilangin ang mga boto sa ilang lalawigan na pinaniniwa­laan niyang nagkaroon ng dayaan partikular sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Pero matapos ang recount ng PET, lumitaw na nadagdagan pa ang lamang ni Robredo kay Marcos. Ayon kay SC spokespers­on Brian Hosaka, “unanimous” ang boto ng mga mahistrado na ibasura ang protesta ni Marcos na isinampa noong June 29, 2016 para ipawalang-bisa ang panalo ni Robredo.

Sa 15 mahistrado na dumalo sa pulong, sinabi ni Hosaka na pito ang “fully concurred” sa desisyon na ibasura ang protesta, at umayon naman sa pasya ang iba pa at ilalagay din umano sa website ng SC ang naturang desisyon.

Sa kabila ng pagkakabas­ura ng protesta ni Marcos, hindi naman binanggit ni Hosaka kung maaari pang iapela ng dating senador ang desisyon ng PET.

“I cannot answer the question because I only have the informatio­n which I read,” sabi ni Hosaka. Samantala, sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal na abogado ni Robredo na hindi pa nila nakikita ang kopya ng desisyon.

“Hindi pa kami nakakatang­gap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon,” pahayag ni Macalintal. “Ngayon lang kami magkakausa­p mula nung magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito.”

Ayon naman sa abogado ni Marcos na si Atty. Lawyer Vic Rodriguez, hindi pa sila nakatatang­gap ng desisyon ng SC.

“The informatio­n that we have are primarily sourced from our media friends and not from any official notice or informatio­n emanating from the Presidenti­al Electoral Tribunal,” saad ni Rodriguez.

“We shall issue our statement on the matter as soon as we have establishe­d the facts based on official document or pronouncem­ent coming from the PET,” dagdag niya.

Ang Malakanyan­g naman, sinabing iginagalan­g nila ang desisyon ng PET.

“‘Yan ay desisyon ng Kataas-taasang Hukuman. We respect that,” saad ni presidenti­al spokespers­on Harry Roque. “We respect also that the camp of (former) senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsider­ation.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines