Daily Tribune (Philippines)

MAUI TAYLOR, NABIBIGATA­N NA?

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, may bali-balita ngayon na next month daw ay balak nang ipatanggal ng dating Viva Hotbabes na si Maui Taylor ang kanyang breast implants dahil bukod sa bumibigat na raw ang kanyang mga dibdib, kailangan na niyang gawin ito pa na rin sa dalawa niyang anak na lalaki.

Sabi ni Maui, hindi naman maikakaila na talagang naging puhunan talaga niya noong nagsisimul­a pa lang sa mundo ng showbiz ang kanyang breast implants noong mga panahong pinasok niya ang paghuhubad sa mga pelikula.

Pero narealize rin niya na maaari pa rin siyang magpa-sexy kahit wala na ang kanyang fake boobs.

“Nu’ng time namin po talagang kailangan meron kang enhancemen­ts. Pero ngayon, you can be sexy naman po even without that one,” saad ni Maui sa isang panayam. “Tsaka naiilang na rin ako kapag meron akong eksena na naka-bathing suit ako. It’s time to take it down kasi, siyempre, meron akong two boys na pinapalaki na sobrang over protective din sa akin.”

“Baka po itong March kasi naghahanap lang po ako ng free time sa schedule ko. It needs kasi at least three weeks na healing period,” dagdag niya.

Naging iba na rin ang pananaw ni Maui kaugnay sa pagiging isang sexy star dahil ngayon daw, hindi na masyadong requiremen­t ang magkaroon ng malulusog na dibdib.

“Parang hindi na, eh. Ngayon kasi, puwede kang maging sexy kahit flat-chested ka, e. Puwede kang maging sexy kahit wala kang puwet o balakang. Napu-project ng artista iyon. Kaya kung ako ang tatanungin nila (mga gustong magpadagda­g ng boobs), huwag na. Kasi uso na nga ngayon ang flatcheste­d, e, hindi na siya big deal talaga,” sabi ni Maui.

Tama iyan Maui, huwag mo masyadong dibdibin… char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines