Daily Tribune (Philippines)

PATULOY ANG PAGTAAS

PHIVOLCS, NABABAHALA SA MGA PAGYANIG SA TAAL VOLCANO…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes na tumataas pa umano ang bilang ng mga naitatalan­g pagyanig sa Taal Volcano Island, kung saan nakapagtal­a ang ahensya ng 91 tremors o pagyanig sa paligid ng bulkan nitong nakalipas na magdamag -- mas mataas sa 69 na naitala noong nakaraang taon.

Ayon sa Phivolcs, tumatagal nang isa hanggang limang minuto ang mga pagyanig, kung kaya naman muling iginiit ng ahensya na permanent danger zone o delikado ang isla at bawal ang mga tao roon.

Sa obserbasyo­n ng Phivolcs, tuloytuloy rin ang paglabas ng usok mula sa main crater ng Bulkang Taal at kahit mahina lamang ang lumalabas na usok mula sa bulkan na umaabot sa taas na limang metro, kumukulo na ang tubig sa crater lake at amoy asupre ang paligid.

“Sinasabi lang naming may chance na posibleng magkaroon ng steamdrive­n o phreatic explosion pero wala kami binabanggi­t na days o weeks or months,” ayon kay Paolo Revina, resident volcanolog­ist ng Taal Volcano Observator­y.

Ang mga lokal na pamahalaan naman, puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa mga lugar sa paligid ng bulkan at inalerto na ng local government unit ng bayan ng Taal ang mga residente at inihahanda na ang mga rescue vehicle na gagamitin kung kakailanga­ning lumikas.

May mga nakahanda ring relief goods, hygiene kits, at tents.

“May memorandum of agreement kami sa mga different groceries para kung ano mang mangyari naka-ready na, pati mga trucks na gagamitin naka-ready na rin lahat with private contractor­s,” saad ni Taal Mayor Fulgencio Mercado.

Kung matatandaa­n, nasa loob ng 15-kilometer danger zone ang Taal at nang pumutok ang bulkan noong nakaraang taon at nabalot ng matinding abo ang bayan kung kaya naman inilikas ang mga residente at bumagsak ang turismo ng bayan, na pinagkukuh­anan ng kabuhayan ng mga residente.

Nakikiusap naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag nang magpakalat sa social media ng mga lumang larawan ng Bulkang Taal na umuusok o nagbubuga ng abo dahil nagdudulot ito ng takot.

Noong Martes, inilikas ng mga awtoridad ang mga nakatira sa Volcano Island matapos magbabala ang Phivolcs ng posibleng phreatic explosion kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga naitatalan­g pagyanig sa isla.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines