Daily Tribune (Philippines)

IVANA, NABIKTIMA NG PRANK

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi naman ang nakaranas ng prank at no less ang kanyang madir ang bumiktima sa kanya kasabwat ang dalawa niyang kapatid.

Ang siste, nag-prank ang mag-iina para kay Ivana ng ahas sa tent, at talagang naging effective ito. Nagulat, nagsisigaw at naiyak ang actress-vlogger nang gisingin siya ng ina para sabihing ang daming ahas sa loob ng tinutuluga­n niyang tent.

Sa pinakabago­ng vlog ni Ivana, ipinakita kung paano pinaghanda­an ng kanyang inang si Fatima Marbella ang pagpa-prank sa kanya at walang kaalamalam ang dalaga sa iba pang plano ng ina nang sabay-sabay silang sumabak sa “24 Hours Sa Tent Challenge”.

Sa challenge na ito, kailangan nilang mag-stay sa loob ng tent sa loob ng 24 oras at kung sino ang makakataga­l at makakabuo ng challenge siya ang panalo, pero naisahan nga si Ivana ng kanyang nanay.

Sa unang bahagi ng video, mapapanood ang paghahanda ng magiina sa “tent challenge”. In-assemble nila ang mga tutulugang tent at nagsalu-salo sa kanilang baong pagkain, kabilang na ang mga cup noodles.

Super happy naman si Ivana habang ginagawa ang game dahil para na rin silang nagba-bonding at gustung-gusto raw niya ito lalo na kapag sabay-sabay silang lumalafang.

Pagsapit nga ng gabi, dito na naghanda si Mommy Fatima para sa gagawing niyang “snake prank” kay Ivana. Kinausap niya ang anak na si Hash tungkol dito.

“May ipapakita ako sa ‘yo. Ang tagal ko na ‘tong binili. Ano ka, gusto ko rin namang makabawi. Ano, sila lang nang sila?” sabi ng nanay ni Ivana habang inilalabas ang mga pekeng ahas sa kanyang bag. “At least makakabawi na ako. Hindi lang basta bawi, bawingbawi ito!”

Sinabihan din niya ang anak na si Mona Louise Rey tungkol sa prank, “Lagi niya akong pina-prank. Para makaganti naman.”

At kinaumagah­an nga, habang tulog na tulog pa rin si Ivana sa tent, pumasok si Mommy Fatima at isa-isang inilagay sa paligid ng anak ang mga fake na ahas. Naglagay din siya sa katawan ni Ivana.

Muli siyang lumabas sa tent habang abangers naman ang dalawang kapatid na may bitbit na “panuhol” sa kanilang ate sakaling magalit at mapikon ito.

Kasunod nito, sumisigaw na ginising ni Mommy Fatima si Ivana para sabihing may mga ahas sa tent kaya naman biglang napabalikw­as ang dalaga at nagsisigaw na lumabas ng tent sa sobrang takot.

Natulala sandali ang sexy actress at biglang nag-walkout. Agad naman siyang sinundan ng ina at mga kapatid para mag-sorry.

“Dapat hindi kayo nagga-ganu’n. Akala ko tinuklaw kayo ng ahas. Grabe kayo. Akala ko magka-camping tayo, ah,” ang pahayag ni Ivana na hindi na napigilan ang maiyak.

Sorry pa rin nang sorry ang kanyang nanay sa ginawang prank sa anak. Tinanggap naman niya ang mga prutas na dala ng mga kapatid bilang peace offering. Siya rin ang itinanghal na winner sa kanilang “24 Hours Sa Tent Challenge”.

Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines