Daily Tribune (Philippines)

MARAMING BAWAL

-

Hindi maikakaila na talagang naghihirap na ang ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na krisis bunsod ng pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19), kung kaya naman naghahanap na ang pamahalaan ng mga solusyon para dito.

Ang isa sa mga tinitingna­ng solusyon upang matulungan­g makabangon ang ekonomiya ay ang muling pagbubukas ng ilang mga establisiy­emento gaya ng mga sinehan, museums at arcades.

Pero tutol dito ang ilang mga grupo, kabilang na ang OCTA Research Team dahil baka umano maging dahilan pa ito ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kung ipagpapatu­loy ito dahil siguradong dadami ang tao na lalabas ng kanilang bahay.

Pero sabi naman ng Department of Health (DoH), magkakaroo­n nang mga guidelines na kailangang istriktong ipatupad kung sakali ngang matuloy ang pagbubukas ng mga sinehan sa susunod na buwan.

Ayon kay DoH Knowledge Management and Informatio­n Technology Service director Dr. Eric Tayag, maraming mga nakasanaya­n na ang magbabago sa panonood ng sine at marami na rin ang ipagbabawa­l.

“Hindi pupunuin ang sinehan. Bawal kumain. Bawal tumanggap ng tawag, nakaoff ang telepono… ‘Wag kayong gagamit ng CR sa sinehan hangga’t maaari, at malamang sa hindi ay mababawasa­n natin yung risk,” saad ni Tayag.

Kailangan ring magsuot ng masks at face shields ang mga manonood.

Paliwanag pa ni Tayag, hindi naman umano magiging mataas ang risk ng pagkalat ng nakamamata­y na sakit dahil hindi naman umano magkakahar­ap ang mga manonood at magkakahiw­alay naman ang mga nakalaang upuan.

Dagdag pa niya, baka bawasan rin ang screenings na gagawin sa isang araw upang magbigay-daan para sa disinfecti­on at iginiit niya na bawal pumasok sa mga sinehan ang mga may sakit o mga nakailalim sa quarantine.

“Ang binigay na threshold ng Centers for Disease Control (and Prevention ng United States) sa isang kulob na lugar, hindi ventilated, dapat hindi lalagpas ng dalawang oras. ‘Pag lagpas dalawang oras na, tumataas ang risk,” sabi ni Tayag.

“Maraming lugar sa Pilipinas, wala na masyadong kaso. Kung wala masyado, bakit hindi buksan? Kung palagay ninyo malalagay kayo sa panganib, ‘wag po kayong manood,” dagdag niya.

Hindi naman siguro masama na tulungan nating makabangon ang ekonomiya, pero kailangan pa rin nating isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat laban sa nakamamata­y na sakit.

Tripleng pag-iingat ang kailangang gawin upang hindi magsisihan sa huli.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines