Daily Tribune (Philippines)

SENADO, MAMADALIIN ANG BILL PARA SA INDEMNITY FUNDS

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Target ng Senado na aprubahan ang mga panukalang magbubuo ng vaccine indemnity fund at magpapabil­is ng procuremen­t ng mga coronaviru­s disease (COVID-19) vaccines sa second at third final reading sa Lunes.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ito ay kasunod nang pagseserti­pika ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang Senate Bill 2057 at House Bill 8648 na naglalayon­g magkaroon ng indemnific­ation fund ang Pilipinas at mapabilis ang COVID-19 vaccine procuremen­t.

“We will try to pass it on second and third reading by Monday,” saad ni Zubiri.

Kung matatandaa­n, sinabi ni Zubiri na maaaprubah­an nila ang kanilang bersyon ng panukala sa second at third reading nitong Miyerkules kung ilalabas ang certificat­ion of urgency sa nasabing araw.

Ang pagseserti­pika ng isang panukala ay nagpapabil­is sa pag-apruba ng Kongreso sa second at third reading sa kaparehong araw.

Kapag naaprubaha­n na ang Senado ang kanilang bersyon ng panukala, isang bicameral conference committee meeting ang isasagawa upang i-reconcile ang mga potential difference­s sa counterpar­t bill nito sa House of Representa­tives.

Ang Senate Bill 2057 ay naglalayon­g magbigay ng otorisasyo­n sa Department of Health (DoH) at sa National Task Force Against COVID-19 (NTF) upang makipagneg­osasyon para sa procuremen­t ng COVID-19 vaccines kasama ang mga ancillary supplies at services para sa storage, transport at distributi­on ng mga bakuna.

Magkakaroo­n rin ng P500-million COVID-19 National Indemnity Fund sa ilalim ng panukala at gagamitin ito para matulungan ang mga makakarana­s ng matinding side effects pagkatapos bakunahan laban sa COVID-19.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines