Daily Tribune (Philippines)

ALEXA ILACAD, AYAW PANG MAGKA-BF

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, kahit daw pala walang lovelife ang young actress na si Alexa

Ilacad, hindi naman ito nagmamadal­i sa pakikipagr­elasyon at katunayan, wala pa talaga siyang balak magkaroon ng boyfriend in the near future.

Kuwento ni Alexa, talagang marami siyang ginagawa ngayon sa personal at showbiz life niya kaya hindi na niya kakayaning magkaroon pa ng “alagaing” boyfriend.

At kahit single pa rin siya hanggang ngayon at walang matatawag na dyowa, masaya pa rin ang estado ng kanyang puso dahil sa mga magagandan­g opportunit­ies na dumarating sa buhay niya.

“I am happy because I am healthy, because of the blessings na ibinigay. I am happy right now more than ever because I gained so many new friends. So doon sa pag-shoot namin ng movie parang ‘yon ang pinaka-highlight ng taon ko. I made new friends, a new family,” sabi ni Alexa.

“Wala akong lovelife. Pero sabi ko nga ang dami ko nang pinagsasab­ay, parang

‘di ko na kaya mag-alaga ng ibang tao.

Priorities,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, naging kontrobers­yal pa ang paghihiwal­ay ng tambalan nila ng young actor na si Nash Aguas noong 2019 nang maging magdyowa sina Nash at Mika dela Cruz.

Pag-amin pa ni Alexa, “‘Yung mommy ko nga ‘bakit wala pa?’ ginaganu’n na niya ako. Choice ko naman talaga siya kasi parang stressful masyado.”

Sabi pa ng dalaga, magpo-focus daw muna this year sa kanyang showbiz career at pag-aaral. Kuwento pa ng dalaga, noong kasagsagan ng lockdown, pinagsabay-sabay niya ang trabaho, pag-aaral at paggawa ng musika at bag-enroll din sa isang business course.

May wish din siya para sa nalalapit niyang kaarawan sa February 26 kung saan magiging 21 years old na siya.

“Wish ko first of all, sana matapos na ang COVID, ang pandemic. I wish that we could all go back to our old normal lives. I also wish the same wish na wini-wish ko every birthday, every Christmas. Ang hinihingi ko is sana lalo na dito sa Philippine­s ay mabawasan ang cases ng neglected animals, strays. ‘Yon ang lagi kong hinihingi. Kasi feeling ko purpose ko in life is to care for them and to be their voice,” sabi ni Alexa.

Huwag ka mag-alala Alexa, darating din ang para sa iyo… char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines