Daily Tribune (Philippines)

ADVANCE PAYMENT PARA SA ASTRAZENEC­A, INAPRUBAHA­N NI YORME

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inaprubaha­n na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang P38.4-million advance payment para sa British-Swedish drugmaker AstraZenec­a upang makakuha ng 800,000 doses ng COVID-19 vaccine nito.

Ayon sa Manila Public Informatio­n Office (PIO), ang nasabing halaga ay katumbas ng 20-percent advance payment.

“The key to the city’s economic recovery is mass vaccinatio­n against COVID-19. Kapag may bakuna na, makakagala­w na ulit ang mga tao. Businesses can reopen and those who lost their jobs can once again go out and seek employment,” saad ni Domagoso.

Dagdag naman ng Manila PIO, ang mga bakuna na inorder ng lokal na pamahalaan ay sasapat upang mabakunaha­n ang 400,000 katao.

Sa kasalukuya­n, nasa 88,000 na ang nakapagpa-register para sa COVID-19 vaccine gamit ang isang website na inilabas ng Manila City government sa pagsisimul­a ng taon.

Nito lamang din ay pinasinaya­an na ang isang storage facility para sa mga vaccines sa Sta. Ana Hospital.

Target ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang makapagpat­ayo ng aabot sa 18 vaccinatio­n sites na makaka-accommodat­e ng 1,000 katao araw-araw.

Sinabi naman ni Domagoso na payag siyang magpabakun­a sa harap ng publiko upang maibalik ang tiwala ng sambayanan sa mga bakuna.

“Yes, I will willingly get vaccinated publicly so I can show people that the vaccine is safe. Hopefully, the example that I set will convince them to get vaccinated, too,” sabi ni Domagoso.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines