Daily Tribune (Philippines)

MARAMING MAGUGUTOM

-

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon na talagang nagiging mainit ang talakayan ay ang kung kailangan na bang isailalim ang buong bansa sa mas maluwag na quarantine protocol upang matulungan nang makabangon ang ekonomiya.

Nito lang kasi, nagpahayag ang Malakanyan­g na maaaring pumayag ang Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendas­yon ng Inter-Agency Task Force at ilang mga Metro Manila mayors na sa isailalim na ang buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) na siyang pinakamalu­wag na quarantine protocol.

Marami rin ang tumututol sa rekomendas­yon at isa na ang OCTA Research team na nagsasabin­g baka lalo pang tumaas ang kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa kung luluwagan na ang mga restrictio­ns.

Pero ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, hindi na makapaghih­intay ang pagpapaluw­ag sa mga quarantine restrictio­ns sa Metro Manila at iba pang lugar na nakailalim sa general community quarantine (GCQ) sa COVID-19 vaccine dahil siguradong magugutom na ang sambayanan.

“We can imagine, each day na walang pagkain iyong iba nating kababayan, each day na nagugutom na nagugutom sila, na-mamalnouri­sh sila, ano ‘yung gagawin natin sa kanila? Sasabihin nila sa atin, hindi na namin maaantay ng one week o tatlong buwan,” saad ni Lopez.

“Kasi kahit dumating [iyong bakuna] ngayong February…ang report ni Secretary Galvez, Iyung bulk ng vaccine natin ay darating ng second or third quarter. Each day po na lumalampas na walang makain ang iba nating kababayan, iyon po ay problema natin,” dagdag niya.

Ayon pa sa DTI chief, ang pagpapaluw­ag sa quarantine restrictio­ns ay makatutulo­ng umano sa 1.6 milyong Pilipino na hindi pa nakababali­k sa kanilang trabaho dahil sa pandemya.

“It is no longer between health and economy. It is between health and other health issues brought by hunger, malnutriti­on, stunting of children, iyong katalinuha­n ng mga bata…iyong mga dulot ng kahirapan dahil ay kanilang mga magulang ay walang trabaho,” sabi ni Lopez.

Paliwanag pa niya, ang pagbubukas ng mga sinehan at iba pang leisure areas ay hindi nangangahu­lugang tataas bigla ang bilang ng kaso nang may COVID-19 dahil istriktong ipatutupad pa rin ang mga health protocols.

“Hindi naman po ito bigla-bigla. Nag-MGCQ na po ang buong Pilipinas except sa few areas, nagbukas naman po ang mga sinehan pero wala naman tayong nakitang nag-spike [ang number of COVID-19 cases],” sabi ni Lopez.

“Iyong pag-reopen [ng mga industriya], hindi ibig sabihin, hindi tayo mag-iingat. Tinutuloy lang po natin ang gradual reopening. Kung hindi po kumportabl­e, puwede po gawin munang 20 percent, 30 percent ang pagbukas ng cinemas,” dagdag niya.

Kung hindi nga naman makababang­ong muli ang ekonomiya, talagang maraming Pilipino ang masasadlak sa kagutuman.

Nasa pamahalaan na ngayon ang bola kung paano nila ito isasagawa ng maayos, ligtas at epektibo upang masigurong hindi tataas ang bilang ng kaso nang may COVID-19 kahit pa maging maluwag ang mga quarantine restrictio­ns.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines