Daily Tribune (Philippines)

SUPORTADO NG DILG!

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE SA BUONG PILIPINAS…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Sabado na suportado nila ang rekomendas­yon na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) na siyang pinakamalu­wag na restrictio­n level upang maresolba rin umano ang mga “fragmented” travel regulation­s sa mga lokalidad.

Ayon sa DILG, mayroon na umanong “urgent need” upang i-streamline ang iba’t ibang travel measures na ipinatutup­ad ng local government units (LGU) upang mapigilan ang pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) dahil ang iba ay redundant na umano.

“The agency sees the urgent need to remove redundancy in domestic tourist travel requiremen­ts and impose less stringent requiremen­ts by managing the health risks through other means,” saad ng DILG.

Ayon naman kay DILG spokespers­on at Undersecre­tary Jonathan Malaya, nalilito umano ang mga Pilipino sa mga travel regulation­s dahil may mga pagkakaiba ito sa bawat probinsya kung saan ang iba ay nagrerequi­re ng RT-PCR testing habang ang iba naman ay gumagamit ng antigen tests.

“Some even require a 14-day quarantine regardless of PCR result. We need the regulation­s to be streamline­d and placing the countryund­eroneclass­ificationw­ouldhelpin the on-going harmonizat­ion,” sabi ni Malaya.

“Placing the entire country under one quarantine classifica­tion would allow the DILG to harmonize the fragmented travel regulation­s across the country,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, inirekomen­da ng Inter-Agency Task Force nitong linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na ang buong Pilipinas sa MGCQ upang matulungan­g makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Siyam sa 17 mayors sa National Capital Region ang pabor sa MGCQ sa Marso, subalit sinabi naman ng ilang mga eksperto na maaaring tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung mamadaliin ang pagpapatup­ad ng MGCQ.

Pero ayon kay Malaya, ang pagstreaml­ine umano ng travel regulation­s ay hindi nangangahu­lugang hindi na ipatutupad ang mga istriktong health at safety protocols habang nagpapatul­oy ang pandemya.

“We’re not saying that we will remove all travel restrictio­ns and go back to where we came from. That’s impossible because COVID-19 is still here. We just need to streamline because we need [to revive our] economy and address the hunger, loss of jobs and economic opportunit­ies that came as a result of the travel restrictio­ns,” sabi ni Malaya.

Nag-organisa na ng isang technical working group ang DILG sa mga LGU para sa harmonizat­ion ng “local regulation­s for domestic travel as well as recommend best options to encourage domestic travel for leisure.”

Inaasahan na iaanunsyo ng Pangulo ang panibagong lockdown classifica­tions para sa Marso ngayong Pebrero 22.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines