Daily Tribune (Philippines)

KITKAT, HALOS MAIYAK SA TAPING

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

May pinagdadaa­nan ngayon ang actress-host na si Kitkat Favia, pero kahit ganoon ay go pa rin siya sa kanyang hosting stint sa noontime show na Happy Time ng NET 25.

Ang problema lang, halos maiyak na si Kitkat sa kanilang huling taping dahil sa isang insidente na involved ang aktor at singer na si Janno Gibbs.

Ang usap-usapan kasi, parang minura umano ni Janno mula ulo hanggang paa si Kitkat at napagkamal­an pa ngang prank ito noong una, maliban na lamang noong biglang nag-walkout sa taping si Janno.

Akala ng mga taong nakasaksi sa taping ay prank lang iyon ni Janno pero nang ibato na nito ang mikropono at saka umalis ay doon na nila napagtanto na mukhang totoo nga ang eksena. Nang lingunin na nila si Kitkat ay naiiyak na ito pero pinipilit pa rin daw ngumiti.

Isa sa mga nakasaksi sa insidente ay ang balladeer na si Marco Sison dahil guest siya sa “Kantanunga­n segment,” at inakala rin niyang prank lang ang nangyari.

“Ang dating po sa amin ay napikon po si Janno kasi naunahan siyang makuha ‘yung scarf ng team ni Marco sa Kantanunga­n na game. Tapos nagalit na kung ano-ano na sinabi. Si Marco po ang kalaban niya, si Kitkat po siya ‘yung nagho-host,” sabi ng isa sa mga nakakita.

“Sabi ni Janno na kinakampih­an ni Kitkat sina Marco at team niya. Tapos kapag may sinasabi na si Kitkat, pinapahiya na ni Janno, binabara ganu’n. Nakita po namin naiiyak na si Kitkat. Rehearsal pa lang ‘yun nang umalis na si Janno. Hindi na bumalik. Si Kitkat mag-isang nag host, wala na siya kasama,” dagdag nito.

Wala naman noong panahon na yun ang isa pang host ng noontime show na si Anjo Yllana, kaya walang maibigay na komento ang host at aktor.

Pero may mga alingasnga­s na parang nagtatanon­g na si Kitkat kung anong kaso ang puwede niyang isampa kay Janno dahil sa pamamahiya sa kanya sa harap ng maraming tao.

Wala pa namang ibang comments ang magkabilan­g kampo sa ngayon. Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines