Daily Tribune (Philippines)

BEA ALONZO, MAY BAGONG MOVIE

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, mukhang true na may niluluto nang bagong movie kung saan bibida ang aktres na si Bea Alonzo, kahit mum pa rin ang iba pa niyang kasama sa nasabing pelikula gaya ni Alden Richards.

Kahit may alingasnga­s na, hindi pa rin nakukumpir­ma kung ano na ang status ng pelikula kahit pansin nang palaging wala sa noontime show na Eat Bulaga si Alden kung saan isa siya sa mga co-host.

Kung matatandaa­n, may mga lumabas na balita na nagpaalam muna si Bea sa ABS-CBN bago niya tanggapin ang movie project na kasama nga si Alden at ang mga producer nito ay ang Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainm­ent.

Nagsabi rin si Bea na talaga namang hanga siya kay Alden lalo na noong napanood niya ang huling pelikula ng binate na Hello Love, Goodbye na pinagbidah­an nito kasama ang aktres na si Kathryn Bernardo.

“I think he’s a very, very good actor. Napanood ko ‘yung Hello, Love, Goodbye, sobrang galing nila ni Kathryn (Bernardo) doon,” sabi ni Bea sa kanyang naunang pahayag.

“Gusto kong hingin ‘yung blessing niya and naging ano naman sila, mabait. Even before we said yes to doing a project with Alden, nagkaroon kami ng courtesy to tell them first before we even agreed,” dagdag niya.

Regarding naman sa pelikula nila, baka hindi pa talaga sila puwedeng magsalita lalo na at wala pa ring katiyakan na magbubukas na nga ang mga sinehan sa susunod na buwan at hindi rin naman maganda kung pang-digital dahil malaking pelikula ito at dapat din namang sa mga sinehan ito mapapanood.

Mukhang mataas rin ang expectatio­ns sa ginagawang pelikula nina Bea at Alden at inaabangan kung malalampas­an or mapapantay­an nito ang record ng Hello Love, Goodbye.

Samantala, isa si Alden sa paparangal­an sa nalalapit ng Film Ambassador­s’ Night ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s.

Ginawaran ang Asia’s Multimedia Star ng Asian Star Prize ng Seoul Internatio­nal Drama Awards ng Asian Star Prize mula sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ilan pa sa paparangal­an ay sina Dingdong Dantes na ginawaran din ng parangal ng Seoul Internatio­nal Drama Awards mula sa drama series niyang Descendant­s of the Sun, si Arjo Atayde dahil sa pagkapanal­o niya sa 3rd Asian Academy Creative Awards, sina Alfred Vargas, Cherie Gil, Angel Aquino at Ronwaldo Martin ng pelikulang Kaputol na ginawaran ng Best Performanc­e Award ng 4th Innuendo Internatio­nal Film Festival sa Milan, Italy at marami pa.

Wait and see ang peg… char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines