Daily Tribune (Philippines)

25 LUGAR SA BANSA, NAKAILALIM SA SIGNAL NO. 1 DAHIL KAY ‘AURING’

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Isinailali­m na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 nitong Sabado ang nasa 25 na lugar sa bansa dahil napanatili ng Tropical Storm Auring ang lakas nito habang dumadako ito papunta sa Philippine Sea silangan ng Mindanao ayon sa PAGASA.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng state weather bureau na ang Signal number 1 ay nakataa sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor , Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon at Lanao del Sur.

Inaasahan na magdadala nang malakas na pag-ulan si Auring sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands at Eastern Samar hanggang Linggo ng tanghali.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman ang inaasahan sa Misamis Oriental, Camiguin at sa Caraga, habang mahina hanggang katamtaman­g pag-ulan naman ang mararanasa­n sa Central Visayas, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Northern Mindanao at Eastern Visayas.

Makararana­s naman ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Leyte, Southern Leyte, Cebu, Bohol, Surigao del Norte at Dinagat Islands simula Linggo ng tanghali hanggang Lunes ng tanghali.

Ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Bicol Region, MIMAROPA, the southern portion of Quezon, Visayas at Caraga naman ay makakarana­s ng mahina hanggang katamtaman­g pag-uulan.

Ayon sa state weather bureau, maaaring magkaroon ng mga flash floods at landslides sa mga lugar na inaasahan ang malalakas na pag-ulan kung kaya naman pinag-iingat nito ang lahat sa mga maaapektuh­ang lugar.

Malalakas na hangin naman ang inaasahan sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo at Kalayaan Islands dahil sa amihan at sa bagyo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines