Daily Tribune (Philippines)

KAILANGANG PAGHANDAAN

-

Mukhang malakas na talaga ang ugong na isasailali­m na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Pilipinas sa modified general community quarantine (MGCQ) ayon na rin sa rekomendas­yon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ilang mga mayors sa National Capital Region (NCR) ngayong Marso.

Kailangan na raw kasi talagang matulungan nang makabangon ang ekonomiya dahil ayon sa naunang pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na marami pa ang magugutom kung sakaling hindi pa rin makakabang­on ang ekonomiya ngayong taon.

Pero habang nandiyan pa ang usapin, sinabi na ng Department of Health (DoH) na kailangan na ring paigtingin ng mga local government units (LGU) ang kanilang mga coronaviru­s disease (COVID-19) response measures kung sakali ngang ipatupad ang MGCQ sa buong bansa.

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, dapat ay may sapat na kakayahan na ang mga LGU upang magpatupad ng localized COVID-19 response ipatupad man o hindi ang mas relaxed na quarantine restrictio­ns.

“No matter what risk classifica­tion or community quarantine level na ibibigay sa atin, the LGUs should have the capability to do localized response,” saad ni Vergeire.

Nitong nakaraan lamang, sinabi na ng mga economic managers ng pamahalaan na nais na nilang ipatupad ang MGCQ nationwide sa susunod na buwan at sinang-ayunan naman ito ng IATF at mga Metro Manila mayors.

Ang mga eksperto naman, nagbabala sa pagpapatup­ad ng nationwide MGCQ sa pangambang tataas na naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at mas makabubuti umanong hintayin na lamang muna ang mga darating na bakuna laban sa nakamamata­y na sakit.

“Ang atin pong safeguard ay ang ating local government­s ay magkakaroo­n ng sari-sariling response where they have better surveillan­ce gatekeepin­g indicators. Ito po ay isang bagay na kailangan po natin ipatupad kung sakaling darating na ang point na ‘yan and we are asking local government­s to step up,” sabi ni Vergeire.

Dagdag pa niya, kailangan pa ring istriktong sundin ang mga ipinatutup­ad na health at safety protocols.

Naiintindi­han naman namin ang panawagan ng mga namumuno sa IATF at ilang mga LGU kung sakaling nais nilang paluwagin na ang quarantine restrictio­ns dahil aminin man natin o hindi, talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabang­on ang marami sa atin dahil sa pandemya.

Pero kailangan din namang paghandaan kung sakali ngang ipatutupad ang MGCQ sa buong bansa – hindi lang basta magbubukas na lamang ang lahat nang walang gagawing mga hakbang upang masigurong hindi na dadami pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tripleng pag-iisip at pagpaplano ang kailangang gawin dito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines