Daily Tribune (Philippines)

TUTOL SI DUTERTE!

FACE-TO-FACE CLASSES, MALABO PA, AYON SA PALASYO…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Malakanyan­g nitong Lunes na hindi pa rin pabor si Pangulong Rodrigo Duterte upang ipatupad sa ngayon ang faceto-face classes.

Ayon kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, nagdesisyo­n na ang Pangulo na wala munang face-to-face classes dahil patuloy pa rin ang banta ng coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

“Ayaw niya malagay sa alanganin ang buhay ng mga mag-aaral at guro habang wala pang nababakuna­han sa bansa,” saad ni Roque.

Pero dagdag ng tagapagsal­ita ng Pangulo, baka mapayagan din ang pagpapatup­ad ng face-to-face classes sa Agosto sa mga lugar kung saan mababa ang bilang ng mga may kaso ng COVID-19.

Inaasahan din kasi na sa susunod na buwan ay maaari nang isailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang bansa para unti-unting buhayin ang ekonomiya.

Samantala, sinabi naman ni Senador Christophe­r Lawrence “Bong” Go na hanggang ngayon ay nag-aalinlanga­n pa rin ang Pangulo na payagan na ang faceto-face classes dahil mapanganib pa rin ang sitwasyon para sa mga kabataan, guro at iba pang school personnel.

“Mismong si Pangulong Duterte ay nag-aalangan pa at ayaw niya munang payagan ang face-to-face classes. Delikado pa po daw kasi ang panahon,” saad ni Go.

“Takot si Pangulo dahil ayon sa kanya, we are dealing with life here. Pwede namang sa next regular opening ng school year sa July o kapag ligtas na,” dagdag niya.

Kung matatandaa­n, inirekomen­da na ng Inter-Agency Task Force at iba pang mga Metro Manila mayors na ipatupad na sa buong bansa ang MGCQ upang makatulong ito sa muling pagbangon ng ekonomiya.

Pero nagbabala rito ang OCTA Research Team dahil posible umanong tumaas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kapag inilagay na ang bansa sa mas maluwag na quarantine status.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research team, hindi maiiwasan na mangamba sila dahil wala pa rin namang bakunang dumarating sa bansa kung kaya naman delikado pa rin umano ang pagpapaluw­ag ng quarantine status sa bansa.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines