Daily Tribune (Philippines)

LOVE WINS PARA KAY HEART

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, medyo malalim na hugutan pala ang naganap sa pagitan nina Heart Evangelist­a at Maja Salvador nang mag-guest si Heart sa YouTube vlog ni Maja nitong nakaraan.

Usapang lovelife kasi ang topic at talaga namang maraming mga rebelasyon ang naisama sa nasabing vlog.

Kasama na dito ang pagpili noon ni Heart sa pag-ibig kaysa sa kanyang showbiz career noong kabataan niya, na kabaligtar­an naman ang ginawa ni Maja

Sinagot din nila ang tanong ng netizens about jealousy, long distance relationsh­ips, kung naniniwala sila sa second chances at kung ano ang mas mahalaga sa kanila -- lovelife o career?

“Mahirap talaga. Ako, kasama na ‘yun doon. But at the same time, hindi lang naman din siya sakit, masaya naman din siya. So hindi lang siya masakit dahil sinasaktan ka, mali naman na sinasaktan. Masakit siya because may mga kailangan kang aralin sa sarili mo na, ‘Babaguhin ko ba ‘to? Ano bang gusto ko? Kaya ko bang i-take ‘to?’” sabi ni Heart.

“Kumbaga, barometer ang love. ‘Ano ba, tama ba ito para sa akin?’ Doon mo nakilala at doon nade-develop ‘yung character mo as a person. Ibang klase din nagagawa ng love sa life. So whether it was good or it was bad, parang all is fair in love and war,” dagdag niya.

“Love wins. Love for yourself wins at the end of the day. Kasi kung hindi ko napagdaana­n lahat ng napagdaana­n ko, baka hindi rin ako worthy na makasama ‘yung asawa ko ngayon dahil napakabuti rin niya. So it all makes sense,” sabi pa ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Si Maja naman, iba ang take sa tanong na paano ba magmahal nang hindi masasaktan.

“Alam mo, baka hindi ka nagmamahal kapag hindi ka nasaktan. Kasi ang love, kakambal niyan ay pain. May nabasa nga ako na pipiliin mo kung sino iyong taong worth it para sa mga pain na pagdadaana­n mo,” sabi ni Maja.

Tinanong naman ni Heart si Maja kung naranasan na niya yung ganu’ng klase ng pain.

“Totoo iyong sinasabi nila na parang akala mo okay na love ka, ganyan, and then iyon pa iyong, hindi naman traydor. Iyong iiwan ka sa ere. Parang pak! Career first, ganoon. Pero kasi, siguro bumalik lang din sa akin kasi di ba ganoon din ginawa ko kay Rambo (Nuñez),” sagot ni Maja.

“Twenty-one years old ako noon. Pero siyempre iba tayo maglove. Todo. Pero mas nangibabaw iyong career ko during that time because, siyempre, dati ang hirap kung sino love team mo, iyon

dapat. Siyempre hindi ko pa ma-push si Rambo that time,” dagdag pa niya.

“Kasi ayaw mo matulad kay Heart Evangelist­a no? Nu’ng 21 years old ako, pinagpalit ang lahat para sa love. Ang hirap, ang hirap,” sabi ni Heart.

Naikuwento rin ni Maja ang pagbabalik­an nila ni Rambo nang may nagtanong kung ano ang saloobin nila tungkol sa mag-ex na gustong magkaroon nh second chance.

“Malaking chance ‘yung nagbalikan kami kasi sobrang okay talaga ‘yung relationsh­ip namin noong time na ‘yun. Ako ang may problem noon kasi pinili ko (ang career). Kaya I’m very thankful. Grateful ako kasi ‘yung family ni Rambo and even Rambo, ang saya. Parang si Rambo pa nga ‘yung nagbigay ng chance. Lagi ko ‘yun sinasabi kay Rambo, ‘Bakit ko siya sobrang mahal?’ Dahil ang laking factor nung grabe akong mahalin nung family niya,” sabi ni Maja.

Kung ano ang nasa puso niyo, sundin niyo na lang… char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines