Daily Tribune (Philippines)

MAJA, NA-CONSCIOUS KAY PIOLO

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Hindi naitago ng aktres na si Maja Salvador ang pagiging conscious niya noong nakasama niya ang aktor na si Piolo Pascual.

Maraming mga netizens ang nagsasabi na maganda ang chemistry ng dalawa, kung kaya naman may mga nagtatanon­g na rin kung kailan sila gagawa ng pelikula base na rin sa video na “Recreating Movie Posters” na naka-upload sa “Meet Maja” YouTube channel ng aktres.

Sa vlog ni Maja, pinuntahan niya si Piolo sa kanyang resthouse sa Batangas kung saan naglalagi ang aktor.

“Grabe ginawan ko talaga ng paraan dahil mahirap siyang hagilapin at pinuntahan ko talaga siya rito sa Batangas,” saad ni Maja. “Hindi lang natuloy ang loveteam na ito pero may mga fans na kami PioDor (Piolo at Salvador) at PioMaj (sabay kaway sa kamera). Alam kong tahimik lang kayo pero matatalo natin ang KathNiel but we can’t help it, there’s the perfect chemistry.”

Tawa naman nang tawa si Piolo sa pinagsasab­i ng aktres, “Wala po siyang ginawa kundi tumawa ganyan lang siya,” sabi pa ni Maja.

Halatang-halata rin naman na kilig na kilig si Maja kay Papa P, lalo na kapag hinahagkan nito ang leeg niya base sa gagayahing movie poster pero ramdam mo ring walang malisya ang dalawa.

Playful lang talaga ang aktor dahil nadiskubre niyang malakas pala ang kiliti ng aktres sa leeg.

Anyway, conscious na conscious si Maja sa kanyang kilikili nang gayahin nila ni Piolo ang poster ng “Dirty Dancing” nina Patrick Swayze at Jennifer Grey noong 1987.

Habang ginagaya nila ang pose sa poster, “Teka baka kita na ‘yung baskel ko (sabay tingin ni Piolo). ‘Wag mo nang tingnan hindi pa nag-shave.” Nagkatawan­an pareho ang dalawa kaya sabay silang bumitaw. Sumunod ang poster ng pelikulang “Titanic” nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet noong 1997 na nakadikit ang mukha ng bidang lalaki sa leeg ng bidang babae. “Teka may kiliti pa naman ako sa leeg, wait lang (sabay halik ni Piolo sa leeg ng dalaga), Papa P. Wait seven seconds dali!” sambit ng dalaga.

Super fan din pala si Maja ni Julia Roberts, “Lahat ng movies niya pinapanood ko, saka ‘yung ano siya.” In between takes ay natanong ni Maja kung anong paboritong pelikula ni Piolo at nasabi nitong, “Dekada 70 (2002), I tried to back out so many times kasi dinadaga ako roon.” Pelikulang “Anak” (2000) naman ang gustung-gusto ni Maja, “Kasi nakasama ko si Mommy Vi (Vilma Santos) sa MMK pero feeling ko bitin pa ako ro’n. Saka siyempre lumaki tayo sa mga (kilalang aktres) Diamond Star, Megastar (say ng aktor), Superstar. Lahat ng star gusto nating makatrabah­o.”

At bilang kapalit ng video na yun ay tuturuan ni Piolo si Maja magtanim kaya niyaya na niyang bumaba ito sa kanyang garden.

Tsuk!

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines