Daily Tribune (Philippines)

WEB THREATS, DUMADAMI

-

Ngayong halos lahat ng Pilipino ay umaasa na sa internet connection dahil na rin sa coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic na nagbunsod ng mga matitindi at matatagal na lockdowns, mayroon nang umuusbong na panganib naman para sa mga internet users.

Nitong nakaraan lang, isang report mula sa cybersecur­ity firm Kaspersky ang nagsabing apat sa bawat sampung online users sa Pilipinas ang nakaranas ng web threats noong nakaraang taon.

Dahil dito, nasa pang-anim na ang bansa sa mga most-attacked countries dahil sa mga web-borne threats noong isang taon.

Ayon sa mga datos na nakalap ng 2020 Kaspersky Security Network (KSN) report, ang kanilang mga web securities sa Pilipinas ay nakapagtal­a ng 44,410,695 na iba’t ibang internetbo­rne threats at 42.2 porsiyento rito ang infected.

Noong 2019 naman, nasa ikaapat ang bansa na may 27,899,906 web threats o 44.4 porsiyento na tinatawag nilang near infections.

Kasama sa mga bansang may mataas na percentage ng inatakeng users ng web-borne threats noong 2020 ang Nepal (49.3 percent), Algeria (46.9 percent), Mongolia (44.5 percent), Somalia (44.0 percent), and Belarus (43.9 percent).

Ang mga bansang sumunod naman sa Pilipinas sa ranking ay ang Malaysia (42.1 percent), Brunei Darussalam (42.0 percent), Rwanda (42.0 percent) at Kenya (41.1 percent).

“One thing that all of us would remember very well about 2020 other than COVID-19 was the shift of major tasks online --- mostly within the confines of our homes,” saad ni Yeo Siang Tiong, general manager Southeast Asia ng Kaspersky.

“It is now a common scenario to see working parents juggle work and assisting kids with their online classes. The stress of finding balance has understand­ably affected each of us emotionall­y and psychologi­cally, which created the best scenario for cybercrimi­nals to exploit the situation,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Yeo na dahil sa pandemya, siguradong magpapatul­oy pa rin ang remote work, online classes at digitaliza­tion sa lahat ng sektor ngayong taon.

“It is high time for enterprise­s of all shapes and sizes to understand that online threats against individual­s should now be considered as risks against companies. We need to remember that cybercrimi­nals never sleep. Hence, our security solutions should be automated, intelligen­ce-based, and proactive,” sabi ni Yeo.

Kaya babala para sa sambayanan: Siguraduhi­ng ligtas ang inyong mga pinupuntah­an online, dahil bukod sa nakamamata­y na sakit, dagdag problema rin kung magkakaroo­n ng problema ang inyong internet connection.

Maaari rin kasing manakaw ang inyong mga identity o manakawan kayo ng pera mula sa inyong mga online bank accounts, at siguradong lalo lang magpapahir­ap sa sitwasyon.

Maging mapagmatya­g at mapagsigur­o mga kababayan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines