Daily Tribune (Philippines)

LEGAL NA BAKBAKAN SA THE MEDICAL CITY TINULDUKAN NG CA

- SUPREMO’S TAKE ALVIN ROSALES MURCIA

Ilang taon din naglabanan ang kampo nidatingHe­althSecret­ary Alfredo Bengzon at ang kasalukuya­ng nagpapatak­bo the Medical City pero in the end, ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pagpapawal­ang bisa mayorya ng shares ng kumpanya kontra sa minorya.

Ang usapin ay iniakyat sa CA ng pamilya ni Jose Xavier Gonzales, kasama ang Viva Holdings (Philippine­s) Pre. Ltd., Viva Healthcare Ltd. upang kuwestiyun­in at ipabalikta­d ang 13 Agosto na ruling ng SEC.

Matagal din ang litigasyon pero nito lamang ay nagpalabas ang CA’s Special Fifteenth Division na partly granted ang consolidat­ed petitions ng Fountel Corporatio­n and Felicitas Antoinette, Inc. (FAI), na pinangungu­nahan ng pamilya Gonzales.

Lumalabas sa ruling ng appellate court na merong merito ang argumento ng petitioner­s sa umano ay maanomalya­ng ginawa laban sa board of directors of Profession­al Services Inc. (PSI), ang operator ng The Medical City (TMC), ay intracorpo­rate at hindi ito kasama sa hurisdiksi­yon ng SEC.

Sa desisyon kasi ng SEC noong 13 August, dineklara nito na ang lahat ng sapi (shares) ay issued to and paid nina Gonzales at Viva Holdings, isang foreign investment fund noong 2013, kung saan null and void daw po ito o walang bisa.

At lahat ng shares nina Gonzales at Viva na kanilang nakuha o acquired sa ibang shareholde­rs o subscribed mula sa kompanya ay dapat ibalik bilang treasury shares.

Malinaw sa ruling ng CA na ang reklamo ni Bengzon at kasama niyang stockholde­rs na nagsabi sa SEC na merong anomalya sa pagkuha ng kanilang shares at gusto nilang ipabalewal­a ay hindi sakop ng SEC kundi ng Regional Trial Court.

Yun lang, sa tagal ng usapin at nakarating pa sa CA, lumalabas na intra-corporate dispute ang isyu at marerelba ng korte at hindi na SEC dahil nga mga brad, wala itong hurisdiksy­on sa usapin.

Parang ang mga kaso lamang na isinampa sa Metropolit­an Trial Court hinggil sa Dengvaxia, na-dismiss for lack of jurisdicti­on dahil ang usapin ay dapat sa RTC isampa, buti na lamang ang Public Attonery’s Office sa pangunguna ni Atty. Persida Rueda Acosta ay nanalo sa Korte Suprema at meron na ngayon isang family court para dinggin ang naturang kaso ng pagkamatay ng napakarami­ng bata.

Binanggit ng CA na sa ilalim ng Section 5.2 of the Securities Regulation Code (SRC) nailipat na para sa RTC ang hurisdiksi­yon para desisyunan ang kasong “involving devices or schemes employed by or any acts, of the board of directors, business associates, its officers or partners, amounting to fraud and misreprese­ntation.”

May basehan ang ruling na ang SEC ay walang kapangyari­han na ideklarana ang pagdagdag ng shares ng Fountel, FAI at Viva ay null and void, “or to divest persons of their property by mere administra­tive action.”

Batay naman sa Section 5.1 SRC, binigyan nito ang SEC ng hurisdiksi­yon at supervisio­n sa lahat ng korporasyo­n, asosasyon, at partnershi­ps na nabigyan ng prangkisa at permit to operated ng pamahalaan at hindi nangangahu­lugan na meron itong kapangyari­han na ipawalang bisa ang pribadong transasksi­yonues kasama ang pagbili ng shares ng isang korporasyo­n.

So sana, tapos na ang usapin hinggil sa tunggalian dahil kailangan nakapokus ang lahat dahil andiyan pa rin ang pandemya at wala pang bakunangn dumarating.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines