Daily Tribune (Philippines)

MANUEL NA-TRADE

-

Natupad ang nais ni Vic Manuel na mag-alsa-balutan paalis sa Alaska nang i-trade siya ng Aces sa Phoenix Super LPG papasok sa 46th season ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA).

Ang 33-anyos na forward ay lumipat sa Phoenix kapalit ni Brian Heruela at dalawang draft pick – ang sixth and 16th picks – sa darating na Annual Rookie Draft sa Marso 14 at isang first-round pick sa 2022 draft.

Inaprubaha­n ng PBA Commission­er’s Office ang trade nitong Martes ilang araw matapos ibigay ng Fuel Masters si forward Calvin Abueva sa Magnolia kapalit ni Chris Banchero at pares ng rookie drafty picks.

Mismong si Alaska coach Jeffrey Cariaso ang nagbalita ng pagkaka-trade ni Manuel.

“Jeff called Vic to tell him that he’s now officially part of Phoenix,” anang agent ni Manuel na si Danny Espiritu.

“Vic is really happy with the trade because it was really his wish. He really wants to move to a different team.”

Nitong simula ng taon ay naging usap-usapan ang posibleng pag-trade kay Manuel matapos nitong tumangging pumirma sa offer ng Alaska na two-year deal.

Nauna nang inamin ni Alaska governor Dickie Bachmann na nahihirapa­n silang maghanap ng ka-trade para kay Manuel.

Nagpahayag si Manuel na nais niyang lumipat sa NLEX, San Miguel Beer o kaya sa Phoenix kung saan makakasama niya ang kaibigang si Abueva.

Inaasahang madadala ni Manuel ang kanyang pagiging beterano sa Phoenix at magbibigay ng dagdag pwersa kasama sina Matthew Wright, Justin Chua, JC Intal, Jason Perkins at Banchero pagdating ng Philippine Cup.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines